VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya
- Viral ngayon ang 'What's in my bag' video ni Vice President Leni Robredo
- Ipinakita niya ang mga laman ng kanyang bag lalo na ngayon at patuloy pa rin sila sa pangangampanya
- Bukod sa mga essential oils, medicines, disinfectant at throat spray, agaw-pansin din ang kanyang wooden cross
- Aniya, nakasingit daw ito sa kanyang panyo tuwing humaharap siya sa presidential debate
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Biglang naisipang mag-what's in my bag si Vice President Leni Robredo habang naghihintay siya na magsalita sa entablado ng campaign rally sa Olongapo.
Nalaman ng KAMI na isang malaking bag na may black ang pink ang kulay na bigay sa kanya mula Masbate.
Karamihan ng mga dala niya ay pawang mga bigay ng supporters tulad ng disinfectants. Tulad ng ibang mga tita at nanay, marami ring essential oils si VP Leni lalong-lalo na ang pampatulog.
Aniya, hirap talaga siyang matulog tuwing kampanya gayung mataas lagi umano ang adrenalin niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Agaw pansin naman ang wooden cross na lagi raw niyang dinadala at isinisingit sa panyo tuwing may presidential debate.
Makikita rin ang bag organizer ni VP Leni kaya naman kahit malaki ang bag, maayos naman ang nilalaman ng mga ito.
Narito ang kabuuan ng makulit na video ng bise presidente na tumatakbo bilang susunod na presidente ng bansa:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.
Source: KAMI.com.gh