Anthony Taberna, hanga sa katatagan ng anak; "Zoey has a braveheart, Zoey is awesome"

Anthony Taberna, hanga sa katatagan ng anak; "Zoey has a braveheart, Zoey is awesome"

- Emosyonal na ibinahagi ni Anthony Taberna ang pinagdaanan muli ng kanyang anak na si Zoey

- Siya mismo ang nakasama nito sa ospital noong hindi matigil ang pagdugo ng kanyang ilong

- Aminadong humanga siya nang husto sa anak na pilit nagpapakatatag sa mga nangyayari sa kanya dala ng karamdaman

- Labis-labis din ang pasasalamat ni Anthony sa doktor ng kanyang anak na hindi umano ito iniwan hanggang sa sila'y makalabas ng ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buong tapang na ibinahagi ni Anthony 'Ka Tunying' Taberna ang pinagdaanan kamakailan ng kanyang anak na si Zoey.

Anthony Taberna, hanga sa katatagan ng anak; "Zoey has a braveheart, Zoey is awesome"
Anthony Taberna kasama ang anak na si Zoey (Photo: Anthony Taberna)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na labis-labis ang paghanga ni Anthony sa katapangan ng kanyang anak sa patuloy na pakikipaglaban nito sa leukemia.

Nito lamang February 4, muli na naman silang sinubok ng nasabing karamdaman. Hindi nila maampat ang pagdurugo ng ilong nito kaya naman nagdesisyon na siyang dalhin ito sa ospital.

Read also

Ogie Diaz, sa pagtanggi umano ni Andrea Brillantes ukol sa isyu ng panunugod; "So be it"

Si Anthony mismo ang kasama ni Zoey at laking pasasalamat din nila umano sa doktor nilang si Dr. Anselm Lee na hindi raw talaga sila iniwan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"We put a plastic bag just below Zoey's chin where she spitted blood in clumps. It was not for a few minutes only. It went on for about 2 long hours!" kwento ni Anthony patungkol sa matinding pangyayari pa nang araw na iyon.

"At some point, I saw Zoey shedding tears because of the pain that she's going thru. At another point, when the platelet transfusion was done and there was still nosebleed and she continued to vomit her own blood, she asked and begged, " i thought it's gonna stop?" pahayag pa ni Ka Tunying.

"Daddy, ayaw na. Ayoko na po." I knew what she meant but i tried to make her believe that I didn't get it. "Ayaw mo nang hawakan ko ang ilong mo?" To which she replied in the negative. I can see how difficult it is for Zoey. If only I can just wipe Zoey's sickness. if only I can just take the sickness," emosyonal na pahayag pa niya.

Read also

Pia Wurtzbach, nakaboto na; umano'y proud na nanindigan para kay VP Leni

"We prayed again and thereafter I told Zoey to continue fighting. Zoey was something. Zoey has a braveheart. Zoey is awesome."

Narito ang kabuuan ng post:

Si Anthony Taberna o mas kilala bilang si "Ka Tunying" ay isang broadcast journalist sa bansa. Naging bahagi siya ng morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda at ng Dos Por Dos.

Kasalukuyan nang bahagi ng DZRH si Anthony na dating nasa DZMM. Ito ay dahil sa nangyaring shutdown ng ABS-CBN.

Matapos ang kanilang rebelasyong tungkol sa mga pinagdaanan ng kanilang pamilya kaugnay sa kanilang anak at maging sa negosyo, ibinahagi rin niyang unti-unti na nila itong nalalampasan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel