Ogie Diaz, sa pagtanggi umano ni Andrea Brillantes ukol sa isyu ng panunugod; "So be it"

Ogie Diaz, sa pagtanggi umano ni Andrea Brillantes ukol sa isyu ng panunugod; "So be it"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa umano'y pagtanggi ni Andrea Brillantes sa nasabing insidente ng panunugod

- Sa isang live video ni Andrea, isa ang pagpapabulaan nito sa chismis na sinugod niya 'di umano si Francine Diaz sa dressing room

- Ayon kay Ogie, ayon lamang ito sa kanyang source na maaring hindi man panunugod ang nangyari ngunit nagtungo pa rin si Andrea para magpaalalang may love team siyang iniingatan

- Gayunpaman, maging si Seth Fedelin at masaya na sa love life ng kaparehang si Andrea sa boyfriend nitong si Ricci Rivero

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan sa bagong Showbiz Update nina Dyosa Pockoh, Mama Loi at Ogie Diaz ay ang pagsasalita ni Andrea Brillantes sa isyu ng panunugod umano nito sa dressing room ng kapwa aktres na si Francine Diaz.

Read also

Cristy Fermin, 'di raw kinilig sa umano'y eksena nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Ogie Diaz, sa pagtanggi umano ni Andrea Brillantes ukol sa isyu ng panunugod; "So be it"
Sina Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Matatandaang sa Ogie Diaz Showbiz Update din unang narinig ang naturang isyu matapos na kumalat ang mga larawan nina Francine at Seth na magkasama.

Base sa Instagram Live ni Andrea na ipinalabas niya kamakailan, sinabi niyang marami umano ang naniwalang totoo ang naturang panunugod dahil sa 'credible' source.

At ang sinasabing credible source na ito di umano ay walang iba kundi si Ogie Diaz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"At least, tinawag niyang credible... Sa tingin mo 'Nay, ikaw kaya yun?" tanong ni Mama Loi kay Ogie Diaz.

"Basta, ayon sa aking source, ganun ang nangyari. Hindi naman nanugod siguro, pumunta sa kwarto para sabihing 'may love team tayo,' 'dapat pangalagaan mo 'yung love team natin may mga ganyan," paliwanag naman ni Ogie D.

"Well, kung ang stand diyan ni Andrea e hindi totoo, so be it edi hindi totoo. Alangan namang makipaglaban ako sa detalyeng nakuha ko? E si Andrea na 'yung nagsalita. O edi sige," dagdag pa niya.

Read also

Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel