Cristy Fermin, 'di raw kinilig sa umano'y eksena nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Cristy Fermin, 'di raw kinilig sa umano'y eksena nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

- Hindi raw kumbinsido si Cristy Fermin sa maeksenang proposal ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes sa pagiging mag-jowa

- Matatandaang nagpropose ang basketball player matapos ang kanilang game kung saan nanood si Andrea

- Ayon kay Cristy 'planting rice' na ang ibig sabihin ay planted o planado na umano ang lahat sa nasabing eksena

- Matatandaang matapos ang proposal, naging usap-usapan naman ang live video ni Andrea sa kanyang Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw umano kumbinsido ang kilalang entertainment columnist na si Cristy Fermin sa kontrobersyal na proposal ni Ricci Rivero para maging girlfriend si Andrea Brillantes.

Cristy Fermin, hindi umano kumbinsido sa proposal ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes
Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio (Showbiz Now Na)
Source: Facebook

Matatandaang ginawa ito ng basketbolista matapos ang kanyang game kung saan nanood si Andrea.

"Pano naman ako kikiligin e may naka-ready na kaagad na t-shirt na may yes or no"

Dagdag pa ni ni Cristy, tila 'planting rice' na raw ito na ang ibig sabihin ay planted o planado na ang lahat bago gawin ang eksena.

Read also

Julia Barretto, nanlaki ang mata sa tanong ni Mama Loi ukol kay Gerald: "Si Mommy andiyan"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pwede ba hindi ho kami ipinanganak kahapon... Ang alam ko kasi sa mga ganyang biglaan, proposal. Kunwari magpopropose na yung lalaki sa babae, 'will you marry me?' Hindi mo tatanungin yung babae na 'will you take me as your boyfriend?'"

Ayon pa kina Romel Chika at Morly Alinio, bago pa ang proposal na ito, madalas na raw kasing makita na magkasama ang dalawa kaya marahil bago pa man ito, ay magkasintahan na ang dalawa.

Narito ang kabuuan ng kanilang chika mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Read also

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin pagdating sa kagandahan ay ang aktres na si Bea Alonzo.

Taliwas sa 'di umano'y komento ng iba na tila alangan na ang aktres sa makakapareha nito sa Kapuso network adaptation ng Korean series na 'Start Up,' hanga pa rin si Cristy sa ganda ng aktres para sa edad nito.

Kapansin-pansin daw umano ang pag-aalaga nito sa sarili at hinangaan din nila ang pangkabuhayan ni Bea na kitang-kita ang lawak at ganda ng farm nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel