Julia Barretto, nanlaki ang mata sa tanong ni Mama Loi ukol kay Gerald: "Si Mommy andiyan"

Julia Barretto, nanlaki ang mata sa tanong ni Mama Loi ukol kay Gerald: "Si Mommy andiyan"

- Nanlaki ang mga mata ni Julia Barretto sa naitanong ni Mama Loi tungkol kay Gerald Anderson

- Nagkasama ang dalawa sa Kakampink rally noong Abril 23 kung saan natanong ni Mama Loi ang aktres

- Natawa na lamang si Julia at itinuro ang kanyang mommy Marjorie Barretto na naroon din sa pagtitipon

- Matatandaang si Julia ay unang napanood sa 'Kakampink' rally sa Pasig bilang pagsuporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakatutuwa ang naging reaksyon ni Julia Barretto nang matanong siya ni Mama Loi tungkol kay Gerald Anderson.

Julia Barretto, nanlaki ang mata sa tanong ni Mama Loi ukol kay Gerald: "Si Mommy andiyan"
Julia Barretto, nanlaki ang mata sa tanong ni Mama Loi ukol kay Gerald: "Si Mommy andiyan"
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol sa laging nagiging komento kay Gerald Anderson na hindi pa umano natatanong ang reaksyon ni Julia.

"Lagi kong inaabangan ang sasabihin niyo sa akin," ani Julia habang nakaakbay kay Mama Loi.

Read also

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sabay tanong sa kanya nito ng "Ano 'yung reaksyon mo na lagi naming nasasabi na daks si Gerald (Anderson)?"

Nanlaki na lamang ang mata ng nobya ng aktor at hindi na agad na nakapagsalita.

"Si Mommy andiyan! Ikaw talaga," bwelta naman ni Julia.

Narito ang kabuuan ng makulit na panayam sa kanya ni Mama Loi mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Julia Barretto ay Filipina actress na anak din ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Maliban sa birthday rally na dinaluhan ng aktres, una siyang nakita sa entablado ng 'Kakampink' rally sa Pasig

Samantala, si Mama Loi ay isang entertainment host and reporter na kasama ni Ogie Diaz at Tita Jegs sa kanilang YouTube channel na 'Ogie Diaz Showbiz Update.'

Read also

Andrea Brillantes at Ogie Diaz, nagkasama sa Kakampink rally sa Pasay City

May sarili na rin siyang YouTube channel at nakapag-interview na rin siya ng iba't ibang mga kilalang personalidad sa bansa.

Madalas ding kasama si Mama Loi ng grupo nila ni Ogie Diaz sa mga People's rally ng supporters ni presidential candidate Leni Robredo.

Matatandaang nag-trending ang pagho-host nila nina Ogie D doon dahil sa umano'y wala silang milyon-milyong talent fee sa pagsuporta sa kanilang kandidato.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel