Mayor Isko, hinamon si VP Leni Robredo na umatras sa kandidatura; "Withdraw Leni"

Mayor Isko, hinamon si VP Leni Robredo na umatras sa kandidatura; "Withdraw Leni"

- Matapang na hinamon ni Mayor Isko Moreno si Vice President Leni Robredo na umatras sa kandidatura

- Ito ay matapos na sabihing isa umano ito sa matatawag na 'supreme sacrifice' ngayong darating halalan kung mahal ng bise presidente ang bansa

- Aniya, malinaw na ang motibo lamang umano ni VP Leni ay labanan ang mga Marcos

- Bagkus sila ng kanyang mga kasama sa joint press conference ay nag-aalay ng kanilang serbisyo sa mamamayang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buong tapang na hinamon ni Mayor Isko Moreno na mag-withdraw sa kandidatura ang kapwa niya presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

Mayor Isko, hinamon si VP Leni Robredo na umatras sa kandidatura; "Withdraw Leni"
Mayor Isko, hinamon si VP Leni Robredo na umatras sa kandidatura; "Withdraw Leni" (Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Aniya, ito ang maituturing na 'supreme sacrifice kung mahal umano ng bise presidente ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Isko, tila umiikot lamang sa paglaban sa Marcos ang dahilan ng kandidatura ng bise presidente.

Read also

Anthony Taberna, hanga sa katatagan ng anak; "Zoey has a braveheart, Zoey is awesome"

"'Yung number 2 should do and start initiating the supreme sacrifice. Let Leni withdraw. Withdraw Leni. That's the (supreme sacrifice). If you love your country."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kasi ang laban lang nila, laban lang kay Marcos. 'Di ba sinabi naman niya yan. Kaya siya tumakbo, gusto lang niyang labanan si Marcos."
"Senator Ping, tumakbo kasi may ino-offer siyang services. Yung galing niya at husay niya sa haba ng panahon ng paglilingkod niya. Gayundin si Secretary Norberto Gonzales Ganun din si Manny Pacquiao at ganoon din po ako."
"Let me remind you, VP Leni said so many times and the yellows, said so many many times, No to Marcos. Not to Marcos, not again, never again. There is always about the Marcos. It's not about you. There seems to be only 3 weeks remaining, more or less. Hindi naging effective yung laban nila kasi nga personal"

Read also

VP Leni, natuwa sa pagbisita at pakiki-jammming sa kanila ng Ben & Ben sa Bicol

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mayor Isko Moreno mula sa live video sa Faceook page niyang Isko Moreno Domagoso:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.

Oktubre 4, 2021 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.

Ilang araw matapos na mag-file noon ng candidacy ay umugong na agad ang 'Withdraw Isko' at hiniling ng ilan na tumakbo na lamang ito bilang bise presidente.

Agad naman itong sinangga ng presidential candidate at sinabing karapatan pa rin niya ang tumakbo sa posisyong nais niyang magampanan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica