VP Leni Robredo, nag-ikot at nakipagkwentuhan sa mga taga-Naga City

VP Leni Robredo, nag-ikot at nakipagkwentuhan sa mga taga-Naga City

- Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo ang pagkakataong siya mismo ang mag-ikot at makipagkwentuhan sa mga tao

- Nagawa niya ito matapos na bumisita sa lamay ng isang kaibigan sa Naga City

- Tila na-miss ng bise presidente ang house to house campaign na noon pa niya ginagawa

- Sa ngayon, ang kanyang mga anak at mga volunteers ang nagpapatuloy ng ganitong adhikain upang ipaunawa sa mga tao kung sino nga ba si Leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila walang sinasayang na oras si Vice President Leni Robredo na nagawang mag-ikot at makipagkwentuhan sa mga residente ng Barangay Sabang, Naga City noong Abril 16.

VP Leni Robredo, nag-ikot at nakipagkwentuhan sa mga taga-Naga City
VP Leni Robredo, nag-ikot at nakipagkwentuhan sa mga taga-Naga City (Photo: Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila na-miss daw umano ng bise presidente ang ganitong klase ng pagkampanya na diretso sa tao.

"Masaya ang tao pag siya binibisita mo at naglalaan ka ng oras na makipagkuwentuhan. Na miss ko yata ang ganitong klaseng pag iikot," aniya.

Read also

Bangkero sa Surigao, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Madam Kilay

Pinaalalahanan din niya ang mga volunteers ukol sa kahalagahan ng 'tao sa tao' na pakikipag-usap

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Paalala lang at paghihikayat sa lahat na volunteers na bawat pagkakataon, ang pakikiusap, tao sa tao"

Matatandaang noon pa ma'y ginagawa na ito ng bise presidente na ngayo'y ipinagpapatuloy ng kanyang mga anak at mga volunteers.

Kilalang personalidad o ordinaryong tao, ginagawa ang house ot house campaign na ito upang mas maunawaan at makilala ng tao kung sino si Leni Robredo.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nag-ikot para kay VP Leni sa kani-kanilang lugar ay si Jake Ejercito, Belle Mariano at Donny Pangilinan, Marjorie Barretto at Ogie Diaz.

Samantala, narito ang kabuuan ng post ni VP Leni Robredo:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

BF na nag-bike mula QC hanggang Bicol makasama lang ang mag-ina, sinurpresa ng RTIA

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica