Bianca Gonzales, matapang na sinabihan ang umano'y naninira sa Pamilya Robredo
- Matapang ang naging pahayag ni Bianca Gonzales sa mga umano'y naninira maging sa pamilya ni Vice President Leni Robredo
- Ito ay sinasabing may kaugnayan sa kumakalat ngayon sa Twitter na malisyosong video kaugnay kay Aika Robredo
- Ayon kay Bianca, kailangan ng taong gumawa nito sa Pamilya Robredo na humingi ng tulong para makapagbago
- Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang kampo ni VP Leni Robredo ukol dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapang ang mga binitawang salita ng ngayo'y main host na ng Pinoy Big Brother na si Bianca Gonzales sa Twitter kaugnay sa mga kumakalat na malisyosong video kung saan sinasabing si Aika Robredo ang naroon, ang panganay na anak ni VP Leni Robredo.
Sa kanyang Twitter, ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa pekeng impormasyon na kumakalat at pag-atake ngayon ng Pamilya Robredo.
"Ang lungkot, puno ng galit, at ang dilim siguro ng buhay ng taong gagawa ng pekeng pambababoy sa babae para lang siraan ito," tweet ni Bianca.
"Ito ba talaga ang gusto mong gawin? Please seek help. Life is beautiful kahit mahirap. Kaya mo pang magbago ng landas," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, naitala sa Pampanga ang pinakamataas na bilang ng mga dumalo sa kanyang campaign rally kasama ang kanyang grupo.
Inakalang nasa 100,000 lamang ang supporters na dumalo sa San Fernando subalit umabot pa pala ito sa 220,000.
Dahil dito, naungusan na ng Pampanga ang bilang ng Kakampink sa Ortigas na umabot naman sa 137,000.
Samantala, Naglabas na ng opisyal na pahayag si VP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez ukol sa umano'y kumakalat sa Twitter na malisyosong video kaugnay sa panganay na anak ni Vice President Leni Robredo na si Aika.
Tinitingnan na sila ng posibleng ligal na aksyon para matigil na ang ganoong klaseng pagpapakalat ng fake news.
Source: KAMI.com.gh