Kampo ni VP Leni , umalma sa umano'y malisyosong video laban sa kanilang pamilya
- Naglabas na ng pahayag ang spokesperson ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa 'online attack' maging sa mga anak ng bise presidente
- Inalmahan na nila ang umano'y kumakalat na malisyosong video kaugnay sa panganay na anak ni VP Leni na si Aika
- Makikitang wala umano itong katotohanan at gawa-gawa lamang bilang distraction umano sa kampanya ng ina sa pagka-pangulo ng bansa
- Dahil dito, tinitingnan na ang mga posibleng legal na aksyon sa mga nagpapakalat ng video at maialis pa sana ito sa lalong madaling panahon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naglabas na ng opisyal na pahayag si VP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez kaugnay sa umano'y kumakalat sa Twitter na malisyosong video kaugnay sa panganay na anak ni Vice President Leni Robredo na si Aika.
Nalaman ng KAMI na labis na nakaaalarma ang naturang video na pawang wala naman umanong katotohanan.
"This is a malicious fabrication and we have reported it to the platforms concerned para matake-down. Our lawyers are studying our options for legal action," bahagi ng pahayag ng spokesperson ni VP Leni.
"Malinaw na krimen ito. At ang paraan para talunin ang mga ganito once and for all: Manalo tayo sa halalan, ayusin ang sistema, at panagutin ang mga nagkakalat nito," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil dito, nag-trending din sa nasabing platform ang hashtag na 'protect the Robredos' gayung maging ang mga anak ng bise presidente na tumatakbo sa pagka-pangulo ay nadadamay sa mapanirang taktika sa kanilang pangangampanya.
Narito ang kabuuan ng pahayag:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, naitala sa Pampanga ang pinakamataas na bilang ng mga dumalo sa kanyang campaign rally kasama ang kanyang grupo.
Inakalang nasa 100,000 lamang ang supporters na dumalo sa San Fernando subalit umabot pa pala ito sa 220,000.
Dahil dito, naungusan na ng Pampanga ang bilang ng Kakampink sa Ortigas na umabot naman sa 137,000.
Source: KAMI.com.gh