VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral

VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral

- Viral ang larawan ni Vice President Leni Robredo na kuha umano sa isang restaurant

- Sinsabing ito ay matapos ang ikalawang presidential debate na ginanap noong Abril 3

- Ayon sa post, libre na sana ng resto ang pagkain nina VP Leni at kanyang mga anak subalit tumanggi ito

- Giit ng bise presidente na magbabayad sila at kung ipipilit ng manager ang panlilibre ay aalis na lamang sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ni Vice President Leni Robredo na kuha umano sa isang restaurant matapos ang 2nd Presidential Debate na ginanap noong Abril 3.

VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral
VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral (Photo: Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang naturang post dahil sa mga humanga sa bise presidente na pilit na nagbayad pa rin sa pagkain nila ng kanyang mga anak nang gabing iyon.

Read also

VP Leni sa mga 'fake news' : "Magsisinungaling may maisulat lang"

Ayon sa post, libre na sana ng resto ang meal ng bise presidente at kanyang mga kasama.

Subalit tumanggi raw ito at minabuting magbayad pa rin. Sinabi pa raw nitong aalis kung ipipilit na hindi nila babayaran ang pagkain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinumpirma naman ito ng PEP sa umano'y celebrity couple na may-ari ng food chain na Army Navy.

Sinabing totoo itong nangyari at hindi ito ang unang beses na kumain ang mag-iina sa nasabing resto.

Narito ang kabuuan ng post na naibahagi rin ng singer na si Jim Paredes:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Isa lamang si Robredo sa siyam na nagpaunlak sa 'The 2nd Presidential Debate' noong Abril 3. Muling hindi dumalo si dating senador Bongbong Marcos kaya nanatiling bakante ang podium na inilaan sa kanya.

Sa kanyang closing statement sa nasabing debate, binigyang diin niya ang 'liwanag at pag-asa' sakaling siya ang palaring maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica