VP Leni na naka-tsinelas sa beach-side campaign rally, viral

VP Leni na naka-tsinelas sa beach-side campaign rally, viral

- Viral ang mga larawan ni Vice President Leni Robredo na naka-tsinelas sa kanyang campaign rally sa Borongan City, Eastern Samar

- Ito ang kauna-unahang campaign rally na ginanap sa beach na dinaluhan ng mga Kakampink sa lugar

- Ayon naman sa Rappler, kilala umano si VP Leni at ang namayapa nitong mister na si DILG chief Jesse Robredo sa tinatawag na “tsinelas” brand of accessible, people-centered leadership

- Kamakailan, nag-viral din si VP Leni sa pagtatanggal ng sapatos matapos ang kauna-unahang CNN presidential debate para sa Eleksyon 2022

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang larawan ni presidential candidate VP Leni Robredo na naka-tsinelas sa kanyang campaign rally sa Borongan City, Eastern Samar ngayong Marso 29.

VP Leni na naka-tsinelas sa beach-side campaign rally, viral
VP Leni na naka-tsinelas sa beach-side campaign rally, viral (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ginanap ang pagtitipon ng mga 'Kakampink' sa isang beach ng nasabing lugar.

Read also

Video ng lola na naiyak habang nag-aabang kay VP Leni, viral

Ito ang kauna-unahang beach-side campaign rally ng 'Leni Robredo-Kiko Pangilinan' tandem at ng mga senatoriables ng Tropang Angat.

Ito marahil ang dahilan bakit minabuting mag-tsinelas ng bise presidente habang nasa entablado at hinarap ang libo-libong mga 'Kakampink' na sumusuporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa Rappler, ang pagsusuot na ito ng tsinelas ni VP Leni ay tinatawag na 'brand of accessible, people-centered leadership' maging ng kanyang namayapang mister, ang dating ILG chief Jesse Robredo.

Matatandaang naging agaw-pansin din ang umano'y pagtatanggal niya ng sapatos matapos ang CNN presidential debate. Aniya, halos hindi na siya makalakad dahil sa matagalang nakatayo habang nakasuot siya ng sapatos na may heels.

Samantala, pinasalamatan naman ni VP Leni ang lahat ng nakiisa sa kanilang campaign rally sa Eastern Samar.

"Maraming salamat po sa RPC Eastern Samar at sa Office of the Governor for making this event memorable for all of us and for proving that #EasternSamarIsPink! Salamat po sa tiwala ninyong hindi aanurin ng anumang alon ang pag-asa nating #KulayRosasAngBukas"

Read also

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Bago pa ang pagtitipon sa Tarlac na dinaluhan din ni Kris Aquino, dinaos din ang campaign rally sa Nueva Ecija na may 50,000 katao din ang dumalo. Gumawa rin ng ingay ang mga 'Kakampink' sa Pasig City kung saan umabot ng 137,000 ang dumalo sa People's rally ng grupo ni Robredo noong Marso 20.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica