Pag-awit ng Lupang Hinirang sa Pasig rally ng mga Kakampink, viral
- Mabilis na nag-viral ang short clip ng pag-awit ng Lupang Hinirang sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko' tandem
- Makikinig ang nasa 80,000 na katao na sabay-sabay inawit ang national anthem lalo na ang huling bahagi ng awitin
- Nagsimulang dumami ang tao sa Emerald Avenue sa Pasig bandang tanghali ng Marso 20
- Dinagsa rin ito ng mga kilalang personalidad na boluntaryong sumusuporta kay Robredo at isa na rito si Angel Locsin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Viral ngayon ang video clip ng pag-awit ng 'Lupang Hinirang' sa pagtitipon ng mga 'Kakampink' sa Peoples' rally ng Leni Robredo- Kiko Pangilinan tandem sa Pasig City.
Nalaman ng KAMI na maririnig sa naturang video ang nasa 80,000 na kataong dumalo sa campaign rally ng grupo nina Robredo at Pangilinan na tumatakbo sa pagka-pangulo at bise presidente ng Pilipinas sa darating na May 9 elections.
Sa drone shot, makikitang halos hindi mahulugang karayom ang Emerald Avenue sa Pasig na nagsimulang dumugin ng 'Leni-Kiko' supporters bandang alas-dose pa lamang ng tanghali.
Maging mga kilalang personalidad ay boluntaryong nagtungo at sumuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa na rito si Angel Locsin na umiikot sa lugar upang makipagkumustahan sa mga kapwa niya Kakampink na naroon.
Sina Robi Domingo, Julia Barretto at Melai Cantiveros ang mga host ng pagtitipon.
Nag-perform din si Jolina Magdangal ng sarili niyang bersyon ng 'Anak ng Pasig.'
At pinakaabangan din ang pag-awit ni Ebe Dancel, ng bandang Rivermaya at ng kapapahayag pa lamang na mga bagong 'Kakampink' na bandang Ben & Ben.
Nilinaw nilang lahat sila'y boluntaryong sumuporta at hindi tumanggap ng anumang kabayaran para rito.
Narito ang video na ibinahagi rin ng Trending Garden:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Patuloy umanong dumarami ang mga celebrities at musician na patuloy na sumusuporta at boluntaryong nakikiisa sa kampanya ni Leni Robredo sa pagka-presidente ng bansa.
Source: KAMI.com.gh