Leni Robredo, hindi naapektuhan ng bashers ayon sa mga anak na sina Aika at Tricia
- Nabanggit nina Tricia at Aika Robredo na hindi umano naaapektuhan ang kanyang ina sa kabi-kabilang bashing na natatanggap nito
- Anila, ayaw patinag ng kanilang mama sa mga pambabatikos na tinatamo nito lalo na ngayong kumakandidato siya sa pagka-pangulo ng bansa
- Aminado naman ang dalawa na nasasaktan din sa mga sinabi ng ilang tao sa kanilang ina
- Gayunpaman, ibinahagi nilang mapa-supporter man o bashers, hindi na dapat namumutawi ang 'hatred' o galit kaninoman
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi raw tinatablan ng bashers si Vice President Leni Robredo ayon sa kanyang mga anak na sina Tricia at Aika.
Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda, isa sa kanilang napag-usapan ay kung paano hinaharap ng bise presidente ang mga bashers.
"Lugi 'yung trolls sa kanya, hindi talaga siya naaapektuhan," natatawang nasabi ng panganay niyang si Aika.
Sinegundahan naman ito ni Tricia at sinabing hindi raw talaga nagpapatinag ang kanyang ina.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Inalala naman ni Boy Abunda nang minsang nag-live si VP Leni. Nagawa pa rin nitong basahin ang mensahe ng basher na binati pa niya at nagpasalamat na sa kabila ng pambabatikos ay nanonood pa rin ito sa kanya.
Aminado naman si Tricia na nasasaktan din sila minsan sa mga sinasabi ng ilan sa kanilang ina. Lalo na at tila 'unfair' na ang binibitawang salita ng ilan.
"Siyempre po tao rin kami, may mga oras na napipikon din kami. Lalo na pakiramdam namin ang unfair, ang unfair na ng tinatapon sa kanya."
Paalala rin ni Tricia na mapa-supporters man o bashers, huwag na dapat mamutawi pa ang galit sa isa't isa lalo na at nilarawan niyang sobrang 'divided' na umano ng ating bansa.
Narito ang kabuuan ng panayam sa magkapatid mula sa The Boy Abunda Talk channel:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Source: KAMI.com.gh