VP Leni, nangunguna na umano sa mga presidentiables ayon sa mga data scientist

VP Leni, nangunguna na umano sa mga presidentiables ayon sa mga data scientist

- Nangunguna na umano si Vice President Leni Robredo sa mga presidential aspirants base sa mga data scientist

- Ito ay base umano sa Facebook engagements ng presidential aspirant mula Pebrero ng kasalukuyang taon

- Laumalabas na nitong Marso 1, si VP Leni na umano ang nangunguna at maari pa umanong tumaas sa mga susunod na araw

- Gayunpaman, dikit pa rin umano ang ipinakikitang engagements score ng mahigpit niya umanong katunggali na Bongbong Marcos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice President at presidential aspirant Leni Robredo na ang umano'y nangunguna sa presidential race ayon sa mga data scientist na ang pinagbasehan ay ang mga Facebook engagments.

Nalaman ng KAMI na dikit pa rin umano ang puntos na nakuha ni VP Leni at ng mahigpit na katunggali nitong si Bongbong Marcos (BBM).

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

VP Leni, nangunguna na umano sa mga presidentiables base sa mga data scientist
Presidential Aspirant Leni Robredo (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Ayon kina data scientists Wilson Chua and Roger Do na naging panauhin ng programang 'Pinoy Scientist' ng Radyo Agila, pagpatak ng Marso 1, nakaungos ng ilang puntos ang bise presidente sa nangunguna naman sa Pulse survey na si BBM.

Malaki raw talaga ang itinalon ng bilang ng mga supporters ni Robredo online base sa datos mula noong February 12 to 17.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaking bagay umano ito sa mga susunod na araw at sa bilang ng mga dumdagdag na potensyal na botanteng pumapabor sa mamakaisang babae na kumakandidato sa pagkapangulo ngayong taon.

“It predicts an even larger engagement score for Leni in the coming weeks,” ayon kay Chua.

Gayunpaman, 5 points lamang umano ang lamang ni Robredo kay Marcos mula sa bilang na 8 million at 7.5 million base sa 58 million na date points mula sa Facebook.

Read also

VP Leni Robredo sa performance ng 'RobreDocs' sa Bulacan; "Tagos na tagos"

Matatandaang sa pinakahuling datos na inilabas ng Pulse Asia, si Marcos umano ang nangunguna sa mga kandidato sa pagka-pangulo kung saan sinabing nasa 60 posyento ito habang si Robredo ay nakakuha naman ng 16 na posyento.

Naniniwala naman umano ang mga data scientist na marami pang mababago sa numero sa mga susunod na araw lalo na pagpatak ng buwan ng Abril habang papalapit na umano ang eleksyon.

Mapapanood ang kabuuan ng video mula sa Radyo Agila:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Read also

Tatlo sa pitong nagnakaw umano sa ina ni Nadia Montenegro, natukoy na ng pulisya

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica