Mga larawang kuha sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Bulacan, viral
- Mabilis na naging usap-usapan ang mga kuhang larawan sa mga kaganapan sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Bulacan
- Maging sa mga small gatherings nila sa iba't ibang bahagi nito ay dinumog din umano ng kanilang supporters
- Sa aerial shot gamit ang drone na naibahagi ng organizers nila na Leni Robredo For President, makikita ang dami ng nakilahok sa naturang pagtitipon
- Isang araw bago ito, dinumog din di umano ng mga 'Kakampink' ng Cavite ang grand rally ng kanilang napupusuang maging presidente
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad na nag-viral ang mga larawang kuha bago hanggang sa magsimula na nga ang grand rally ng grupo ni Vice President Leni Robredo sa Bulacan.
Nalaman ng KAMI na mula pa alas-siyete ng umaga ng Marso 5, nagsimula nang mag-ikot sina presidential candidate Leni Robredo kasama ang kanyang running-mate sa pagka-bise presidente na si Kiko Pangilinan at kanilang mga senatoriables sa iba't ibang bahagi ng Bulacan.
Hanggang sa makarating sila sa grand rally nila sa Malolos, Bulacan kung saan naghihintay na ang kanilang libo-libong supporters.
Muling binigyang buhay nina Ogie Diaz at Mama Loi ang pagtitipon gayung sila muli ang naging mga host.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Ilan din sa kilalang personalidad na naroon sa Iloilo bilang pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo ay sina Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Lara Quigaman, JK Labajo at Eli Buendia.
Source: KAMI.com.gh