Video na kuha sa "Pink Sunday" grand rally sa Quezon Memorial Circle, viral
- Mabilis na nag-viral ang video ng "Pink Sunday" grand rally sa Quezon Memorial Circle
- Dinaluhan ito ng libo-libong mga supporters nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka-pangulo at bise presidente ng bansa
- Kapansin-pansin na nabalot ng pink ang lugar habang maririnig na isinisigaw ng mga tao ang "Madam President" at "Leni-Kiko"
- Tinatayang nasa mahigit 20,000 katao ang dumayo sa lugar mula 1:00 ng madaling araw ng Pebrero 13
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Mabilis na naging usap-usapan online ang video na kuha umano sa "Pink Sunday" grand rally sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City ngayong Pebrero 13.
Nalaman ng KAMI na sinaluhan ito ng mga supporters nina Vice President Leni Robredo na kumakandidato sa pagka-pangulo at ng tumatakbo naman sa pagka-bise presidente na si Senator Kiko Pangilinan.
Makikita sa video na tila binalot ng pink ang lugar dahil sa mga "Kakampink" na ang iba ay dumating sa lugar, 1:00 ng madaling araw pa lamang ngayong linggo.
Sa video maririnig din ang paghiyaw ng mga tao ng "Madam President!" at "Leni-Kiko" bilang pagsuporta nila sa dalawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, sa kanyang Tweet, taos-pusong nagpasalamat naman si VP Leni sa mainit na pagtanggap sa kanilang ng Lungsod ng Quezon City na tinatayang mayroong 1.4 million na botante.
"Overwhelmed by your love. Maraming maraming salamat QC! Tara na, ipanalo na natin 'to!,"ani Robredo.
Ayon sa Quezon City Police tinatayang nasa 7,000 na 'Kakampinks' ang nakapasok sa covered court at maging sa labas ng Liwasang Aurora.
Habang ang iba pang mga volnteer organizers at mismong campaign team ni Robredo ay nag-estima ng mahigit 20,000 na kabuuang bilang ng mga dumalo.
Narito ang video mula sa Office of Sen. Kiko Pangilinan na ibinahagi rin ng ABS-CBN:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.
Oktubre 7 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Ilan sa mga makakatunggali niya at mahigpit niyang makakatunggali sa pagka-pangulo ay ang apat na nakapanayam ni Jessica Soho sa 'Presidential Interviews' noong Enero 22.
Source: KAMI.com.gh