Bongbong Marcos, sinabing 'di hahadlang sakaling mag-reopen ang ABS-CBN

Bongbong Marcos, sinabing 'di hahadlang sakaling mag-reopen ang ABS-CBN

- Nasabi ni presidential aspirant Bongbong Marcos na hindi umano siya tututol sakaling mag-reopen ang ABS-CBN sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez

- Hindi raw niya hawak ang desisyon sakaling hirangin siyang susunod na pangulo

- Gayunpaman, kung maayos ng network ang itinuturong violations nila kaya hindi nabigyan ng prangkisa, hindi umano siya tututol sa muling pagbubukas nito

- Isa lamang ang 'Upuan ng Katotohanan' ni Sanchez sa mga Presidential interviews na pinaunlakan ni Bongbong Marcos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi hahadlang si presidential aspirant Bongbong Marcos sakaling mabigyan na ng prangkisa upang makapagbukas na muli ang ABS-CBN.

Bongbong Marcos, sinabing 'di hahadlang sakaling mag-reopen ang ABS-CBN
Photo: Bongbong Marcos
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga diretsahang naitanong ni Korina Sanchez sa 'Upuan ng Katotohanan' interview nito sa kanya.

"It's not up to me to reopen ABS-CBN, it's not up to the president, it's up to the congress," panimula ni Marcos.

Read also

Video ng BBM supporters na humihiyaw ng "Hindi kami bayad", viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"'Yung sinasabi nilang kaso ng ABS-CBN ay tungkol nga sa mga violation na nakita kaya hindi itinuloy 'yung prangkisa. So kung maayos lahat 'yun, ibalik na lang mag-apply na lang sa prangkisa na ituloy ang patakbo ng ABS-CBN."

Nilinaw pa ito ni Korina at tinanong kung hindi ito pipigilan ni Marcos sakaling siya ang maging susunod na pangulo ng bansa.

"Oo. Sa aking pananaw, 'yun naman ang problema e... may nakitang mga violation, ayusin lahat 'yun tapos ilapit nila ulit sa franchise committee, e di maganda ang magiging posibilidad na ma-grant 'yung franchise."

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Read also

Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales: "Just a black propaganda"

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.

Naging kontrobersyal ang nasabing pagtitipon dahil na rin umano sa host nito na si Toni Gonzaga. Ipinakilala rin kasi nito ang senatorial candidate na si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiing hindi na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Isang araw matapos ang proclamation rally, naglabas ng pahayag si Gonzaga ng pagbibitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica