Mayor Isko, sinagot bakit 'di dapat iboto sina Robredo at Marcos; "Maghihiganti"

Mayor Isko, sinagot bakit 'di dapat iboto sina Robredo at Marcos; "Maghihiganti"

- Sa political fast talk ni Boy Abunda kay Mayor Isko Moreno, matapang ang naging pahayag nito

- Halos pareho ang sinagot niya kung bakit hindi dapat na iboto sina Vice President Leni Robredo at dating senador Bongbong Marcos

- Samantala, maari rin naman daw na iboto sina Senator Ping Lacson at Senator Manny Pacquiao

- Sinabi naman niyang siya ang nararapat na ihalal dahil hindi umano siya maghihiganti kanino man

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mayor Isko Moreno ang ikaapat na nakapanayam ni Boy Abunda sa kanyang 'The 2022 Presidential One-On-One Interviews'.

Nalaman ng KAMI na sa pinakaabangang political fast talk na bahagi ng interview, matapang ang mga naging pahayag ni Mayor Isko lalo na kina Vice President Leni Robredo at dating senador Bongbong Marcos.

Mayor Isko, sinagot bakit di dapat iboto sina Robredo at Marcos; "Maghihiganti"
Mayor Isko Moreno (Photo from Isko Moreno Domagoso)
Source: Instagram

Nang matanong siya kung bakit hindi dapat na iboto si Senator Ping Lacson, sumagot ito ng "Pwede namang iboto rin."

Read also

VP Leni sa nabitiwang pahayag na 'sinungaling' umano si BBM; "'Yung tanong, sinagot ko"

Nang tanungin naman siya bakit hindi dapat iboto si Senator Manny Pacquiao, "mabait naman siya, ok naman," ang kanyang naisagot,

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit halos pareho naman ang naging sagot niya para kina Robredo at kay Marcos kung bakit hindi dapat itong maihalal ng taumbayan.

"Maghihiganti sa mga Marcos at Duterte," sagot niya para kay VP Leni.

"Maghihiganti sa mga dilawan at pink-lawan," ang sagot naman niya para kay Marcos.

At nang tanungin naman siya ni Abunda kung bakit siya ang nararapat na ihalal, sinabi niyang dahil hindi umano siya maghihiganti kanino man.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Yorme Isko na mapapanood sa The Boy Abunda Talk Channel:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Read also

Ping Lacson sa komento sa kanya ni Leni Robredo; "Hindi lang talaga ako ma-epal"

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.

Isa si Mayor Isko sa mga tumatakbong presidente para sa Halalan 2022. Ang kapwa niya mga presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo, dating senador Bongbong Marcos, Senator Manny Pacquiao at Senator Ping Lacson ay makailang beses nang sumasalang sa mga presidential interviews.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica