Ping Lacson sa komento sa kanya ni Leni Robredo; "Hindi lang talaga ako ma-epal"
- Nagbigay ng kanyang reaksyon si Senator Ping Lacson sa naging pahayag sa kanya ni Vice President Leni Robredo
- Sa tanong na 'bakit hindi dapat iboto si Sen. Lacson', sinabi ni Robredo na hindi raw ito 'on the ground'
- Ayon naman kay Lacson, hindi lamang daw siya epal kung sa tuwing magbibigay ng tulong kung may kalamidad o maging sa indibidwal lamang
- Matatandaang sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, nasabi naman ni Lacson na siya ang 'most qualified' sa lahat ng mga kumakandidato sa pagka-pangulo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbigay ng reaksyon si Senator Panfilo "Ping" Lacson patungkol sa naging pahayag sa kanya ni Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na sa panayam ni Boy Abunda kay Robredo isa sa naitanong nito sa 'Political Fast Talk' ay kung "bakit hindi dapat iboto si Senator Ping Lacson?"
"Maraming salita ngunit kulang sa on-the-ground na gawa" ang diretsang isinagot ni Robredo.
Sa kayang Twitter post, dumipensa naman si Lacson sa pahayag na ito ni VP Leni.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Translation: Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong"
Matatandaang sa panayam sa naman ni Abunda kay Lacson na unang isina-ere noong Enero 24, nasabi niyang siya ang 'most qualified' sa lahat ng kumakandidato sa pagka-pangulo para sa Halalan 2022.
"I'll be a bit arrogant. I'm the most qualified, I'm the most competent, I'm the most experienced," ang sagot ni Lacson kung bakit naman siya ang dapat na iboto ng taumbayan.
Bago pa ang one on one interview ni Boy Abunda kay Senator Panfilo "Ping" Lacson noong Lunes, unang naisa-ere ang presidential interviews ni Jessica Soho noong Sabado, Enero 22.
Dinaluhan ito ng apat sa Top 5 presidentiables na sina Moreno, Pacquiao, Robredo at kabilang din si Lacson. Tanging si dating senador Bongbong Marcos ang hindi dumalo sa naturang interview ni Soho.
Matapos ang usaping ito, sinabing pinaunlakan naman ni Marcos ang imbitasyon sa kanya ni Abunda kaya inaasahan ng marami ang pagsalang nito sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews sa mga susunod na linggo.
Source: KAMI.com.gh