BBM, sinabing tila 'di pa nabatid ng ibang candidates ang halaga ng unity

BBM, sinabing tila 'di pa nabatid ng ibang candidates ang halaga ng unity

- Inihayag ni Bongbong Marcos ang dahilan kung bakit hindi dapat umano iboto ang kanyang mga katunggali sa pagiging susunod na pangulo ng bansa

- Unang itinanong sa kanya ni Boy Abunda kung bakit hindi dapat umano ihalal sa pagiging pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo

- Agad namang naramdaman na maitatanong din sa kanya ang tungkol sa iba pang kumakandidato sa pagka-pangulo

- Aniya, wala umano sa mga kandidato ang nagsasaalang-alang ng pagkakaisa na isa naman sa kanyang layunin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpaunlak ng pahayag si presidential aspirant Bongbong Marcos sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews ni Boy Abunda.

Nalaman ng KAMI na sinagot din ni Marcos ang halos parehong mga tanong na inihain ni Abunda kay Senator Ping Lacson na unang sumalang sa kanyang panayam.

BBM, matapang na sinagot kung bakit 'di dapat iboto ang mga katunggali sa pagka-pangulo
Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong Marcos" Jr. (Photo from Bongbong Marcos)
Source: Facebook

Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa mining at ilang isyu sa kapaligiran, sa laban ng bansa sa COVID-19 pandemic, sa kahirapan, sa korapsyon, sa lagay ng ating mga kababayang OFW na patuloy pa rin na nangingibang-bansa sa pag-asang mas mabibigyan nila ng maayos na buhay ang kanilang pamilya at maging ang ilang mga sensitibong usapin kabilang na ang droga.

Read also

Ping Lacson sa kung bakit siya ang dapat na iboto bilang Pangulo; "I'm the most qualified"

Isa rin sa mga napag-usapan nila ay kung paano niya mapanghahawakan ang pagbabayad sa tumataginting na 11.93 Trillion pesos na utang ng bansa sakaling siya ang hirangin na susunod na pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At bilang patuloy pa rin nating dinaranas ang pandemya, naitanong din kay Marcos ang tungkol sa makailang beses na 'lockdown' sa iba't ibang panig ng bansa.

"No more lockdown," ang diretsang naisagot ni Marcos. Hindi na kaya ng Pilipino ang mag-lockdown. Hindi na nila kaya. It is too hard. They're going through too much hardships already," ayon kay Marcos.

Paliwanag niya, marami na sa ating mga kababayan ang lumalabag umano sa protocols sa kagustuhan na lamang na kumita.

At nang matanong naman siya sa 'political fast talk' ng 'Bakit hindi dapat iboto si Vice President Leni Robredo?' nagbigay na siya ng sagot na pangkalahatan na gayung naramdaman niya agad na itatanong din sa kanya ang tungkol sa iba pa nilang katunggali sa pagka-pangulo.

Read also

Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila

"I do not indulge in negative campaigning. But I will go this far and I will say that I believe none of the other candidates have yet to come to the conclusion that unity, ang pagkakaisa, ang ating pangangailangan at doon magsisimula ng pagbalik natin sa krisis ng pandemya."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa The Boy Abunda Talk channel:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Matatandaang noong Nobyembre 16 ng nakaraang taong 2021, sa kanyang social media post, pormal nang inanunsyo nina Mayor Sara Duterte at dating senator Bongbong Marcos ang kanilang tandem sa pagkandidato bilang Pangulo at bise presidente sa Eleksyon 2022.

Kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media ang hindi pagpapaunlak ni Marcos ng panayam kay Jessica Soho dahil sa umano'y pagiging bias daw ng nasabing broadcast journalist laban sa pamilya Marcos.

Samantala, dumalo naman sa kontrobersyal na interview ang iba pa niyang mga katunggali sa pagka-pangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica