Ping Lacson, hanga kay PNoy sa lahat ng mga naging presidente: "Hindi siya corrupt"
- Diretsahang nasabi ni Senator Panfilo Lacson na sa lahat ng mga naging Pangulo ng bansa, ang yumaong Presidente Noynoy Aquino ang kanyang hinahangaan
- Nakatrabaho raw niya ito kaya naman masasabi niyang hindi raw ito corrupt
- Maging ang simpleng "no wang-wang" policy nito ay hinangaan din ni Lacson
- Isa lamang si Lacson sa apat na nagpaunlak kay Jessica Soho sa 'presidential interviews' na isina-ere nito lamang Enero 22
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tahasang sinagot ni Senator Panfilo Lacson na si Presidente Noynoy Aquino ang pinaka-hinahangaan niya sa lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas.
Isa kasi ito sa mga naitanong sa kanya ng batikang broadcast journalist na si Jessica Soho sa 'Presidential Interviews'.
Paliwanag ni Lacson, nakatrabaho niyo si PNoy at masasabi niyang hindi raw ito 'corrupt' na opisyal.
Sa mga nakaraang pangulo natin talagang siya ang hinahangaan ko. Kasi hindi siya corrupt. ‘Yun ang pagkakakilala ko sa kanya dahil nakatrabaho ko siya,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa rin sa mga hinangaan niya sa yumaong pangulo ay ang pagtatalaga nito ng "no wang-wang" policy.
Unang-una, pinangunahan niya 'yung no wang-wang policy. Symbolic, napakasimple, pero napaka-symbolic. Ibig sabihin, walang entitlement.
Isa lamang si Lacson sa apat na presidential candidate na nagpaunlak na makapanayam ni Jessica Soho.
Naroon din sina Manila city Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo.
Naimbitahan man si dating senador Bongbong Marcos subalit hindi niya umano tinanggap ang imbitasyon.
Matapos ang kontrobersyal na 'di pagpapaunlak ni Marcos, agad namang naglabas ng pahayag ang abogado nitong si Atty. Vic Rodriguez patungkol sa dahilan nito kung saan sinabing 'bias' 'di umano si Soho laban sa mga Marcos.
Agad namang dinepensahan ni senator Lacson ang award-winning journalist at sinabing trabaho lamang ang ginagawa ni Soho dahil maging siya ay nabato ng mabibigat na mga katanungan.
"Jessica Soho, biased? I was asked very hostile questions like my role during martial law, why I evaded arrest in 2010, my co-authorship and sponsorship of the Anti-Terror Law, human rights issues and other hard questions. I don’t think so. Like any journalist, trabaho niya yun."
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh