Bong Go, tatakbo bilang pangulo sa darating na Halalan 2022

Bong Go, tatakbo bilang pangulo sa darating na Halalan 2022

- Kumpirmado na ang pagtakabo ni Senator Bong Go sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022

- Ito ay matapos niyang i-withdraw ang kanyang unang nai-file na COC, ang pagka-bise president

- Kasama ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte na matunog na tatakbo bilang bise presidente

- Sa kabila ng pagiging miyembro ni Go ng PDP-Laban, tatakbo siya sa ilalim ng PDDS

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong Nobyembre 13, binawi ni Senator Bong Go ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Go na nagtungo sa Comelec si Pangulong Rodrigo Duterte na sinasabing maghahain ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente sa Lunes, Nobyembre 15. Ito ay base sa naging pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar.

Bong Go, tatakbo bilang pangulo sa darating na Halalan 2022
Senator Bong Go (@sapbonggo)
Source: Instagram

Sa kabila ng pagiging miyembro ni Go ng PDP-Laban, tatakbo siya sa ilalim ng partido PDDS.

Read also

Bato Dela Rosa, binawi ang kandidatura bilang presidente sa darating na Halalan 2022

Sa Nobyembre 15, Lunes ang huling araw para magsumite ng mga substitution at iba pang pagbabago para sa National election na gaganapin sa Mayo 2022.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Nobyembre 9, naging emosyonal si Go sa naging speech niya sa dinaluhang pagtitipon sa Antipolo.

Doon nagpahiwatig na siya ng pagbawi ng kanyang kandidatura sa pagiging bise presidente.

Samantala, ngayong Nobyembre 13 din pormal na naghain ng kandidatura si Mayor Sara Duterte sa kanyang pagtakbo bilang bise presidente.

Siya ang magiging running mate ni dating senator Bongbong Marcos na tatakbo naman bilang Pangulo sa darating na Halalan 2022.

Narito ang mga update sa mga kaganapan ngayon sa Comelec mula sa SMNI News:

Si Christopher Lawrence Tesoro Go, na mas kilala bilang si Bong Go ay isa sa mga kasalukuyang senador sa bansa. Siya ang naging Special Assistant to the President (SAP) nang tumakbo ang Pangulong Duterte sa 2016 Elections at si Go rin ang naging Head of the Presidential Management Staff hanggang October of 2018.

Read also

Pangulong Duterte, tatakbo umanong bise presidente sa Halalan 2022 ayon kay Andanar

Sinasabing si Go ang nangunguna umano sa survey sa kung sino ang napupusuan ng publiko na maging bise presidente ng bansa. Isa siya sa mga maagang nag-file ng kanilang kandidatura isang buwan na ang nakararaan.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: