Sara Duterte, pinasalamatan ang supporters ilang oras bago manumpa sa Lakas-CMD
- Pinasalamatan ni Mayor Sara Duterte ang kanyang mga supporters sa maiksing mensaheng naibigay niya sa kasalang dinaluhan sa Cavite
- Hangad umano ng alkalde ng Davao City na maibigay ang nais ng kanyang mga tagasuporta sa mga susunod na araw
- Ilang araw lamang ang nakararaan nang bawiin ni Inday Sara ang kanyang kandidatura sa pagiging alkalde muli ng kanilang lungsod
- Naging emosyonal pa umano ang ilan sa kanyang mga empleyado na nagpakita ng todo suporta sa anumang naging desisyon niya kamakailan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa si Mayor Sara Duterte sa mga bigating pulitiko na dumalo sa kasal ng anak ni Senator Bong Revilla Jr. ngayong Nobyembre 11.
Nalaman ng KAMI na nahingan ng maiksing mesahe si "Inday Sara" na nagpasalamat ng taos-puso sa kanyang mga supporters.
"Nagpapasalamat ako sa mga supporters ko, I hope na kung anumang mangyayari sa mga susunod na araw ay maibigay ko sa kanila kung ano ang gusto nila"
Naroon din sa nasabing okasyon ang dalawang presidential candidate na sina Senator Bato Dela Rosa at dating senador Bongbong Marcos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Katunayan, nag-viral pa umano ang larawan ng tatlo na magkakasama. May caption pa ang larawang ito na mula sa Facebook page ni Senator Bato na "Pili lang kayo!"
Samantala, pasado alas sais ng parehong araw, nanumpa na si Mayor Sara bilang bagong kasapi ng Lakas-CMD kung saan chairman si Senator Revilla. Naganap ito sa kanyang farm sa Silang, Cavite at ang namuno nito ay si House Majority Leader Martin Romualdez, ang presidente ng partido.
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao city sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit nito lamang Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte.
Si Baste na tatakbo sana muli bilang Vice Mayor ng Davao City ang siyang papalit sa kandidatura ni Inday Sara sa pagka-alkalde sa darating na Eleksyon 2022.
Source: KAMI.com.gh