Bongbong Marcos, Sara Duterte at Bato Dela Rosa na nasa iisang larawan, viral
- Mabilis na nag-viral ang larawan nina dating Senator Bongbong Marcos, Mayor Sara Duterte at Senator Bato Dela Rosa
- Nagkita-kita ang tatlo sa kasal umano ng anak ni Sen. Bong Revilla ngayong Nobyembre 11
- Mismong ang Official Facebook page pa ni Sen. Bato ang nagbahagi ng larawan nilang tatlo
- Ngayong araw din opisyal na naging bahagi si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa Lakas-CMD matapos na bawiin nito kamakailan ang kandidatura niya sa pagka-alkade ng Davao City sa darating na Eleksyon 2022
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan nina dating Senator Bongbong Marcos, Mayor Sara Duterte at Senator Bato Dela Rosa na magkakasama.
Nalaman ng KAMI na dumalo umano ang tatlo sa kasal ng anak ni Sen. Bong Revilla ngayong Nobyembre 11.
Bukod kina "BBM", "Inday Sara" at "Senator Bato", dumalo rin ang ilan pang mga bigating pulitiko na sina Senator Cynthia Villar, Imee Marcos at Francis Tolentino.
Nakunan pa umano ng video na nakikipagtawanan pa si Senator Bato kay BBM.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, nang magsimula na ang seremonya, magka-partner pa umano sina Mayor Sara at Presidential candidate na si Bongbong Marcos.
Sa post ni Senator Bato na naibahagi rin sa kanyang Offical Facebook page, may caption pa ang kanilang larawan na "Pili lang kayo!"
Ayon sa News 5, ngayong araw din ginanap ang oath-taking ni Mayor Sara sa opisyal na pagiging bahagi niya ng Lakas-CMD.
Naganap ito sa Revilla Farm in Silang, Cavite, pasado alas sais na ng gabi.
Naroon din si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ang chairman ng Lakas-CMD habang si House Majority Leader Martin Romualdez, ang presidente ng partido ang namuno sa panunumpa ng kasalukuyang alkalde ng Davao City.
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, sa ganap na 4:15 p.m. ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao city sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang COC sa parehong posisyon.
Subalit nito lamang Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang kapatid na si Baste Duterte. Si Baste na tatakbo sana muli bilang Vice Mayor ng Davao City ang siyang papalit sa kandidatura ni Inday Sara sa pagka-alkalde sa darating na Eleksyon 2022.
Source: KAMI.com.gh