Sharon Cuneta, pormal nang sinalubong sa FPJ's Ang Probinsyano

Sharon Cuneta, pormal nang sinalubong sa FPJ's Ang Probinsyano

- Mapapanood na rin ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta sa FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin

- Ginanap kamakailan ang Stroy Conference ng FPJ's Ang Probinsyano kung saan na-welcome na rin nila si Mega

- Ngayong taon, ipinagdiriwang din ng teleserye ang ika-anim na taon nila sa telebisyon

- Pormal na sinalubong si Megastar ng creative producer nito na si Coco Martin, kasama rin ang mga big boss ng ABS-CBN

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Na-welcome na ng 'FPJ's Ang Probinsyano' ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta para sa kauna-unahang teleseryeng gagawin niya.

Sharon Cuneta, pormal na sinalubong sa FPJ's Ang Probinsyano
Si Sharon Cuneta kasama si Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Ayon sa ABS-CBN News, sinalubong ang Megastar ng mga big boss ng ABS-CBN na sina COO of Broadcast Cory Vidanes, TV Production Head Lauren Dyogi, Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal at Creative Director and Lead star ng 'FPJ's Ang Probinsyano' na si Coco Martin sa ginanap na Story Conference kamakailan.

Read also

Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping

Ito ay bahagi rin ng ikaanim na anibersaryo ng teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa mga bumati kay Sharon sa kanyang bagong proyekto ay ang anak niyang si Frankie na sobrang proud sa kanya.

Kaya naman maraming mga tagasubaybay ng programa ang natuwa sa bagong pasabog ng pinaka-aabangan nilang teleserye gabi-gabi. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe, patindi nang patindi pa rin lalo ang cast ng 'Ang Probinsyano'"
"6 years na pala pero paganda nang paganda pa rin ang show lalo na papasok si Mega"
"Manonood na lalo ako niyan pati mommy ko na Sharonian, gabi-gabi na niya mapapanood ang idol niya"
"Medyo teary-eyed ako kasi sobrang excited na ng nanay ko na fan ni Sharon. Hawak na raw niya remote control tuwing gabi"

Read also

Heart Evangelista, sinabing posibleng huling serye na niya ang ‘I Left My Heart in Sorsogon'

"So happy po for you Ms. Sharon. Ano po kaya ang role mo?"

Si Sharon Cuneta-Pangilinan ang nag-iisang 'Megastar' at award-wining actress ng Pinoy Showbiz. Kilala rin siya sa tawag na "Mega" o "Shawie." Siya ang misis ni Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan, maraming netizens ang nagulat ngunit natuwa sa mas-slim na Sharon Cuneta. Mula raw kasi sa dati niya umanong size na XXL, medium size na raw ngayon si Megastar.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel