Isko Moreno sa pagbanggit niya umano ng 'Yellowtards': "I don't regret anything"

Isko Moreno sa pagbanggit niya umano ng 'Yellowtards': "I don't regret anything"

- Wala raw umanong pinagsisisihan si Mayor Isko Moreno sa pagbanggit niya ng 'Yellowtards' kaugnay sa mga oposisyon

- Ito ay sa kabila ng paghingi niya ng sorry kay Vice President Leni Robredo

- Aniya, naging tapat lamang siya sa pagsagot ng naging katanungan sa kanya

- Nabanggit din ni Mayor Isko ang plano niyang pagresponde sa COVID-19 sa bansa sakaling palarin na maging susunod na pangulo ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"No, I don't regret anything!" ito ang agad na sagot ni Mayor Isko Moreno ng Lungsod ng Maynila sa kung mayroon ba siyang pagsisisi sa pagbibitaw niya ng terminong 'Yellowtards' patungkol sa mga oposisyon.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin sa mga naibatong salita kay vice President Leni Robredo, hindi naman nagsisi ang alkalde ng Maynila patungkol sa kanyang banat sa mga oposisyon.

Read also

Sara Duterte, muling iginiit na wala siyang plano na tumakbo sa pagka-Pangulo para sa Halalan 2022

Isko Moreno sa pagbanggit niya umano ng 'Yellowtards': "I don't regret anything"
Isko Moreno (Photo from Isko Moreno Domagoso)
Source: Instagram
"I'm just being honest to answering a question. If I offended them, I'm sorry,"

"And I don't like sugarcoating in a challenging time. This is not Mr. and Mrs. Congeniality," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabanggit din niya ang balak niyang COVID-19 response sakaling maupo bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas kung saan nakikita niyang magiging normal na ang lahat pagpatak ng Disyembre 31, 2022.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila ng ABS-CBN News:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.

Read also

Teacher Dan, hindi nagpatinag kay Regine Velasquez sa pagkanta ng Chandelier

Gumawa ng ingay ang naging patutsada ni Mayor Isko kay VP Leni Robredo patungkol sa pagtakbo nito nito na hindi sa ilalim ng partido Liberal. Dahil dito, 'pink' na ang naging campaign color nito at hindi na yellow.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: