Bata mula Navotas, pumanaw matapos matinding karanasan sa kamay ng kapitbahay

Bata mula Navotas, pumanaw matapos matinding karanasan sa kamay ng kapitbahay

  • Pumanaw na ang limang taong gulang na batang lalaki mula Navotas City na nag-viral matapos matagpuang sugatan at isinugod sa ospital, kinumpirma ng kaniyang ama ang malungkot na balita sa social media
  • Sa Facebook post ni Jemuel Muleta nitong Mayo 11, 2026 ng madaling araw, ibinahagi niya ang huling mensahe para sa anak at ang matinding sakit na nararamdaman ng kanilang pamilya sa pagpanaw ng bata
  • Matatandaang noong Abril ay nagulantang ang komunidad matapos masangkot ang bata sa insidente sa kanilang kapitbahay, isinugod siya sa ospital at sumailalim sa operasyon kung saan natuklasang nawalan ng parte ng kaniyang bituka
  • Samantala, nananatili sa kustodiya ng pulisya ang 20 taong gulang na suspek na umamin sa krimen, at nakatakdang masampahan ng kaukulang kaso habang patuloy na iniimbestigahan ang posibleng kondisyon nito

Pumanaw na ang limang taong gulang na batang lalaki mula Navotas City na nag-viral matapos matagpuang sugatan at isinugod sa ospital noong Abril. Kinumpirma ng ama ng biktima na si Jemuel Muleta ang malungkot na balita sa kaniyang Facebook post nitong Lunes ng madaling araw, Mayo 11, 2026.

Read also

Construction worker, nasawi matapos pagtatalo sa foreman dahil sa speaker

Bata mula Navotas, pumanaw matapos matinding karanasan sa kamay ng kapitbahay
Bata mula Navotas, pumanaw matapos matinding karanasan sa kamay ng kapitbahay (đź“·Pixabay)
Source: Original

Sa kaniyang mensahe, ibinahagi ni Jemuel ang matinding sakit na nararamdaman ng kanilang pamilya. “Siguro hanggang dito na lang yung laban natin anak. Sabi ko naman sayo 'di ka namin iiwan. Madami tayong lumalaban, ramdam ko na pagod ko na. Bawit sakit ng mga tahi, sakit sa butas gawa ng mga tube,” ani ng ama.

Nag-iwan din siya ng bilin para sa kaniyang anak na pumanaw na. “'Wag ka pasaway kay Papa Jesus ah? Mahal na mahal kita anak, wala ng sakit. Grabe sobrang lakas mo, sobrang tapang mo. Mag-iingat ka, 'di mo kasama [si papa] pero alam kung maganda na pupuntahan mo ngayon. Mahal kita. Mahal na mahal kita,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Abril, nagulantang ang komunidad matapos masangkot ang bata sa insidente sa kanilang kapitbahay. Isinugod siya sa ospital at sumailalim sa operasyon, kung saan natuklasang nawalan ng parte ng kaniyang bituka. Sa kabila ng matinding laban, hindi na kinaya ng bata ang komplikasyon.

Read also

Gerald Anderson, binunyag ang pinakamasakit na salita mula sa ex

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa naunang post ng ama, nagpasalamat siya sa Diyos matapos malaman na ligtas ang kidney ng anak. “SALAMAT PANGINOON SADYANG KAY BUTI MO Sa sobrang tuliro namin medyo dina kame makausap nang maayus mali pagkakaintindi namin, safe yung kidney ni Francis bali BITUKA n’ya lang po yung nawala. Maraming Salamat po Panginoon,” saad ni Jemuel noon.

Samantala, nananatili sa kustodiya ng pulisya ang 20 taong gulang na suspek. Ayon sa mga awtoridad, pinaghihinalaan nilang may kakaibang kondisyon ang suspek dahil tila balewala lamang sa kaniya ang pag-amin sa krimen. Nakatakda siyang masampahan ng kaukulang kaso.

Bukod sa insidenteng ito, kamakailan ay iniulat din ng Kami.com.ph ang iba pang balitang may kaugnayan sa mga bata:

5-anyos natagpuang wala nang buhay sa sapa, batang pinsan iniimbestigahan Sa ulat na ito, isang limang taong gulang na bata ang natagpuang wala nang buhay sa isang sapa. Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaniyang pinsan na posibleng may kinalaman sa insidente.

Read also

Viral cliff swing accident sa China, ikinamatay ng dalagitang turista

5-anyos na anak ng sikat na influencer, namatay dahil sa komplikasyon sa flu Isang kilalang influencer ang nagdadalamhati matapos pumanaw ang kaniyang anak dahil sa komplikasyon mula sa flu. Nagdulot ito ng matinding lungkot sa mga tagasuporta at netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate