Viral accident sa Sichuan, nagdulot ng panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon

Viral accident sa Sichuan, nagdulot ng panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon

  • Isang dalagitang turista ang nasawi sa viral cliff swing accident sa Sichuan, China
  • Narinig siyang sumigaw ng “not tied tightly” bago ang insidente ngunit itinulak pa rin ng staff
  • Ang viral video ay umabot sa mahigit 200 milyong views at nagdulot ng galit ng publiko
  • Pansamantalang isinara ang Maliuyan Expedition Park habang iniimbestigahan ang nangyari

Isang viral na aksidente ang naganap sa Maliuyan Expedition Park sa Huaying, Sichuan, China noong Mayo 3, kung saan isang dalagitang turista na kinilala sa apelyidong Liu ang nasawi matapos mahulog mula sa cliff swing ride. Bago pa man siya itinulak palabas ng platform, narinig siyang paulit-ulit na nagsabi ng “not tied tightly”. Sa kabila ng kanyang babala, itinulak pa rin siya ng staff, at ilang segundo lamang ay naganap ang trahedya.

Viral accident sa Sichuan, nagdulot ng panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon
Viral accident sa Sichuan, nagdulot ng panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon (📷The Standard HK)
Source: Facebook

Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklarang patay habang papunta pa lamang. Noong Mayo 5, naglabas ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Huaying na ang insidente ay itinuturing na isang production safety liability accident. Dahil dito, pansamantalang isinara ang parke mula Mayo 4 hanggang Mayo 10 upang magsagawa ng pagsusuri sa kanilang mga kagamitan.

Read also

Willie Revillame, naglabas ng saloobin sa paninira: "Bawal daw akong tingnan"

Si Liu ay tinatayang nasa edad 16 hanggang 17. Sa mga viral na video na kumalat sa social media, makikitang nakasuot siya ng helmet at nakatali ng ilang safety ropes. Gayunpaman, lumabas sa mga komento ng netizens na may mga nakapansin na hindi sapat ang mga safety measures ng naturang ride. Isa pa ngang netizen ang nagbabala noong Marso na “There was only a single safety rope, rather than double ropes. The risks are high. You had better not go.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang cliff swing ride ay inilunsad lamang nitong Marso at matatagpuan sa isang platform malapit sa talon na may taas na 168 metro. Ayon sa State Administration for Market Regulation, may mga umiiral na pamantayan para sa ganitong uri ng rides simula pa noong nakaraang taon. Subalit, ayon sa isang editorial ng Shangyou News, tila hindi nasunod ang mga regulasyong ito batay sa mga larawan at video ng parke.

Nagpahayag ng matinding kalungkutan ang publiko sa social media. “She is so young. She is only an adolescent,” ayon sa isang netizen. Isa pa ang nagsabi na “The swing workers look casual. Their behaviour amounts to nothing different from negligent hòmicide.” Ang insidente ay nagdulot ng panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon at masusing pagbabantay sa mga adventure activities.

Bukod sa viral na aksidente sa Sichuan, may iba pang insidente sa amusement rides na kamakailan ay naiulat.

Read also

72-anyos na ina, nasawi sa kamay ng sariling anak sa Benguet

Sa Bacolod, isang horror train ride ang nadiskaril at nagdulot ng pagkakasugat ng ilang pasahero. Ayon sa ulat, biglang nagka-aberya ang tren habang puno ng mga sakay, kaya’t nagdulot ito ng takot at pagkabahala sa mga nakasaksi. Basahin ang buong kuwento dito.

Samantala, dalawang bata naman ang nasugatan matapos magkaroon ng aberya sa isang slingshot ride sa isang amusement park. Ayon sa mga saksi, biglang nagkaproblema ang mekanismo ng ride habang nasa ere ang mga bata, dahilan upang sila ay masaktan. Basahin ang buong kuwento dito.

Ang mga insidenteng ito ay muling nagbigay-diin sa kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng safety standards sa lahat ng uri ng rides at adventure activities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate