Willie Revillame, naglabas ng saloobin sa paninira: "Bawal daw akong tingnan"
- Nagpakilalang dating intern ng Wowowee na si Jiego Perez nag-viral matapos magbahagi ng alegasyon sa isang podcast interview, kung saan sinabi niyang may patakaran daw noon na nagbabawal sa staff na lumapit o tumingin kay Willie Revillame habang nasa studio
- Ayon kay Perez, may posibilidad daw na maparusahan ang production supervisor kapag hindi nasunod ang patakaran, at ikinuwento rin niya ang kanyang karanasan sa pamamahagi ng jackets para sa programa na pabiro niyang tinawag na hindi maganda ang kalidad
- Willie Revillame agad na nagsalita at itinanggi ang mga alegasyon, sinabing paninira lamang ang mga kumakalat na kwento at ginagamit siya para sumikat, dagdag pa niya na wala siyang alam na may intern o OJT na mga estudyante sa kanyang dressing room sa GMA
- Nagbigay ng hamon si Revillame na magharap sila nang personal at nanawagan na gamitin ang social media sa tamang paraan, kasabay ng pagbibigay-diin na paninira lang daw ito dahil nakatakdang bumalik ang Wowowin sa telebisyon ngayong Mayo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-viral kamakailan ang isang podcast interview kung saan ibinahagi ng dating production intern ng Wowowee na si Jiego Perez ang umano’y karanasan niya sa programa. Sa kanyang kwento, sinabi niyang may mga patakaran daw noon na nagbabawal sa staff na lumapit o direktang tumingin kay Willie Revillame habang nasa studio. “Kapag nasa studio huwag mo siyang lalapitan. Kung magkakasalisi kayo umiwas ka’ng tumingin talaga. Kasi ang mapa-fire yung production supervisor,” ani Perez. Dagdag pa niya, discouraged din daw ang staff na makipag-usap sa host.

Source: Facebook
Bukod dito, ikinuwento rin ni Perez na isa sa kanyang trabaho noon ay ang pamamahagi ng jackets para sa programa. Sa kanyang pagbabalik-tanaw, pabirong sinabi niyang hindi maganda ang kalidad ng mga ito. “Hindi siya maganda, ang siko lang makapal,” aniya.
Gayunpaman, hindi naiwasan ni Willie Revillame na magsalita tungkol sa isyu. Ayon sa kanya, paninira lamang ang mga kumakalat na kwento at ginagamit siya para sumikat. Itinanggi rin niya ang mga alegasyon at sinabing wala siyang alam na may intern o OJT na mga estudyante sa kanyang dressing room. Dagdag pa niya, walang tao sa kanyang dressing room sa GMA dahil ito ay nasa backstage. Hindi rin naitago ni Willie ang kanyang pagkaasar at nagbigay ng hamon na magharap sila nang personal. Nanawagan din siya na dapat gamitin ang social media sa magandang paraan at hindi sa paninira.
Ang timing ng mga pahayag ni Perez ay umani ng tanong mula sa ilang netizens, lalo na’t may mga ulat na posibleng bumalik na sa telebisyon ang Wowowin. Para kay Willie, malinaw na paninira lamang ang mga kumakalat na kwento dahil sa pagbabalik ng kanyang programa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Willie Revillame ay isa sa mga pinakakilala at matagal nang TV host sa bansa. Nakilala siya sa mga programang nagbibigay ng saya at tulong sa mga manonood, kabilang na ang Wowowee at Wowowin. Bukod sa kanyang hosting career, kilala rin siya sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang mga proyekto. Ang pagbabalik ng Wowowin sa telebisyon ay inaasahang magdadala muli ng kasiyahan sa mga manonood.
Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, ibinahagi ang handog ni Willie na Wilyonaryo libreng sakay para sa mga commuters. Ang proyekto ay nagbigay ng libreng sakay sa piling ruta, na ikinatuwa ng maraming pasahero.
Sa isa pang artikulo, kinumpirma na ibabalik na ang Wowowin sa telebisyon ngayong Mayo. Maraming tagahanga ang natuwa sa balitang ito at sabik na muling mapanood ang programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

