Construction worker, nasawi matapos pagtatalo sa foreman sa Silang

Construction worker, nasawi matapos pagtatalo sa foreman sa Silang

  • Isang construction worker na kinilala sa alyas na “Noel” ang nasawi matapos umano siyang pagsasaksakin ng kanyang foreman sa Silang, Cavite dahil sa isyu sa pagpapahina ng speaker
  • Nag-ugat ang insidente sa simpleng pakiusap ng biktima na hinaan ang volume ng speaker habang nag-iinuman, na nauwi sa mainitang pagtatalo sa loob ng barracks
  • Batay sa ulat ng pulisya, tinangka pang umawat ng ilang kasamahan ngunit bigla na lamang umanong sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang ice pick
  • Agad na tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na “Simeon” at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang construction worker ang nasawi matapos umano siyang pagsasaksakin ng kanyang foreman dahil lamang sa isyu sa pagpapahina ng speaker habang nag-iinuman sa Silang, Cavite.

Construction worker, nasawi matapos pagtatalo sa foreman sa Silang
Construction worker, nasawi matapos pagtatalo sa foreman sa Silang (📷Pixabay)
Source: Original

Kinilala ang biktima sa alyas na Noel, 46-anyos at residente ng Barangay Iba, Silang. Ang suspek naman ay kinilala sa alyas na Simeon, foreman ng biktima at residente rin ng nasabing lugar.

Read also

Viral cliff swing accident sa China, ikinamatay ng dalagitang turista

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi sa harap ng barracks ng mga construction worker. Kasama ng biktima at suspek ang ilan pa nilang kasamahan sa trabaho na nag-iinuman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa imbestigasyon, nakaramdam umano ng pagkalasing ang biktima kaya nagpaalam na itong matutulog. Bago pumasok sa kuwarto, nakiusap umano si Noel na hinaan ang volume ng speaker upang hindi maabala sa kanyang pagpapahinga.

Gayunman, sinundan umano siya ng suspek sa loob ng barracks hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo. Tinangka pang umawat ng ilan nilang kasamahan ngunit bigla na lamang umanong inundayan ng saksak ng suspek ang biktima gamit ang ice pick.

Isinugod pa sa Estrella Hospital ang biktima ngunit hindi na siya umabot nang buhay. Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa kaso.

Ang mga construction worker ay kabilang sa mga sektor na madalas nalalagay sa panganib, hindi lamang dahil sa bigat ng trabaho kundi pati na rin sa mga personal na alitan na nauuwi sa trahedya. Sa kabila ng mga paalala tungkol sa kaligtasan, may mga pagkakataon pa ring nagkakaroon ng insidente sa mga barracks at lugar ng trabaho. Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing paalala na ang simpleng hindi pagkakaunawaan ay maaaring mauwi sa mas malalang sitwasyon kung hindi agad naagapan.

Read also

72-anyos na ina, nasawi sa kamay ng sariling anak sa Benguet

Bukod sa insidenteng ito, may iba pang mga balitang kaugnay na naganap kamakailan na may kinalaman sa mga kaso ng pananaksak at alitan sa komunidad. Narito ang ilang kaugnay na artikulo mula sa Kami.com.ph:

79-anyos na ama, patay matapos saksakin ng kinakasama ng anak sa Imus Sa insidenteng ito, isang 79-anyos na ama ang nasawi matapos umano siyang saksakin ng kinakasama ng kanyang anak sa Imus, Cavite. Naging usap-usapan ito dahil sa matinding epekto sa pamilya at komunidad. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

Kagawad, tinutugis na matapos umanoy saksakin dating tauhan na kalaunay namatay Isang kagawad ang kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad matapos umano niyang saksakin ang dating tauhan na kalaunay binawian ng buhay. Naging mainit na usapan ito sa social media dahil sa pagkakasangkot ng isang opisyal ng barangay sa naturang insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate