Holdaper na napatay sa Marilao engkuwentro, natuklasang miyembro rin ng pulisya

Holdaper na napatay sa Marilao engkuwentro, natuklasang miyembro rin ng pulisya

  • Isang holdapan sa convenience store sa Marilao, Bulacan, nauwi sa barilan nitong Lunes
  • Napatay ang suspek matapos makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng pulis
  • Kinumpirma ng PRO3 na ang nasawi ay isa ring miyembro ng law enforcement community
  • Ayon kay Police BGEN. Peñones, ang insidente ay paalala na “no one is above the law”

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang insidente ng holdapan sa Marilao, Bulacan ang nauwi sa madugong engkuwentro matapos rumesponde ang mga pulis nitong Lunes, kung saan napatay ang suspek na kalaunan ay natukoy na isa ring miyembro ng pulisya.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 (PRO3), agad na nagresponde ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa ginawang panghoholdap sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa I.

Sa kanilang pagdating, inabutan umano nila ang suspek na tumatakas sakay ng motorsiklo, na humantong sa barilan sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa gitna ng operasyon, napatay ang suspek. Sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook, kinumpirma ng PRO3 na “the suspect, who was later confirmed to be a member of the law enforcement community.”

Read also

Bela Padilla, umalma sa pahayag ni Rep. Mark Cojuangco tungkol sa baha at tirahan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi pa ibinunyag kung ano ang ranggo at saan nakatalaga ang nasawing pulis.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Police BGEN. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng PRO3, na “this incident serves as a reminder that no one is above the law.”

Dagdag pa niya, tiniyak ng kanilang hanay ang transparency at accountability sa pagsisiyasat ng nangyaring engkuwentro.

Kasabay nito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang alamin ang buong detalye sa pagkakakilanlan ng suspek at ang mga pangyayaring nauwi sa kanyang pagkamatay.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

“A painful reminder”: Anne Curtis, nag-react sa malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)