Lalaking inaresto, namatay matapos umanong daganan habang nakadapa ng mga umarestong pulis

Lalaking inaresto, namatay matapos umanong daganan habang nakadapa ng mga umarestong pulis

  • Isang lalaki sa Pasay ang namatay matapos maaresto ng 13 pulis dahil sa paninira ng gamit sa convenience store
  • Lumabas sa imbestigasyon na ang sanhi ng kamatayan ay asphyxia o pagkasakal
  • Nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa mga pulis na sangkot
  • Tinanggal sa puwesto ang mga pulis at nahaharap sa reklamong maltreatment at reckless imprudence resulting in homicide

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
cottonbro studio on Pexels
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube cottonbro studio on Pexels
Source: Youtube

Tinanggal sa puwesto at kinasuhan ang 13 pulis matapos mamatay ang isang lalaking inaresto sa Pasay dahil sa paninira ng mga gamit sa isang convenience store.

Kinilala ang biktima bilang si John Paul Magat, na ayon sa ulat ay nasawi dahil sa asphyxia o pagkasakal.

Ayon kay Pasay Police chief Colonel Joselio de Sesto, pumalag si Magat kaya pinadapa at pinigilan ng mga pulis para maposasan.

Pagdating sa presinto, dumaing umano siya ng hirap sa paghinga at humiling na madala sa ospital.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bandang alas-9:23 ng gabi, isinugod siya sa pagamutan ngunit binawian na ng buhay.

Read also

Lolang biktima ng hit-and-run sa Marikina, sugatan

Base sa ulat, nakita sa CCTV na pinadapa ang biktima habang pinoposasan, na maaaring naging dahilan ng kaniyang pagkakasuffocate.

Nilinaw ni de Sesto na hindi ibig sabihin ay sinakal, kundi posibleng nadaganan ang leeg.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Cristel Magat, nakatawag pa si John Paul bago mamatay at humihingi ng tulong dahil umano pinaparusahan siya.

Dahil dito, nagsampa ng kaso ang pamilya laban sa mga pulis na sangkot.

Kasama sa mga kinasuhan ang anim na pulis mula sa Pasay Substation 5, anim mula sa mobile force battalion ng South Police District, at isa mula sa regional force battalion.

Bahagi ng augmentation force ng Pasay ang ilan sa kanila.

Nahaharap ang mga pulis sa kasong maltreatment of prisoners at reckless imprudence resulting in homicide.

Ayon sa pamilya, natutuwa sila na may hakbang na para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni John Paul.

Panuorin ang kabuuan ng ulat sa '24 Oras' sa bidyong ito:

Read also

12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Lady rider, patay matapos magulungan sa ulo isang ng pampasaherong jeep

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: