Niko Baua, nagsalita hinggil sa isyu ng suhulan sa hanay ng media
- Si Niko Baua ay nagbahagi ng karanasan ukol sa bribery sa media noong 2013 pork barrel scam
- Ang ABS-CBN reporter ay na-dishearten nang hindi siya gustong kausapin ng whistleblower Benhur Luy
- Ikinuwento ni Baua na may mga kilalang anchor na umano’y kasama sa payola scheme
- Rebelasyon ni Baua, muling nagpaalala ng problema sa kredibilidad ng ilang mamamahayag
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling naging usap-usapan ang isyu ng kredibilidad ng media matapos ang mga pasabog ni ABS-CBN journalist Niko Baua tungkol sa bribery at payola sa hanay ng ilang mamamahayag.

Source: Instagram
Kasunod ito ng kontrobersiyang nag-ugat sa post ni Pasig City Mayor Vico Sotto na inalmahan ng mga beteranong mamamahayag na sina Korina Sanchez at Julius Babao kaugnay sa diumano’y “paid interview.” Dahil dito, marami ang muling nagtanong kung gaano kalinis at kapani-paniwala ang mga impormasyon na nakararating sa publiko.
Sa kanyang Instagram Stories, binalikan ni Niko Baua ang panahon ng 2013 pork barrel scam, isang panahong inamin niyang labis na frustration para sa kanya. Ani Baua, bago pa man sumabog ang balita, iilan lamang na mamamahayag ang nakaaalam na inabduct ni Janet Napoles ang whistleblower na si Benhur Luy. Pinakiusapan sila ng National Bureau of Investigation (NBI) na huwag munang i-publish ang impormasyon habang tinatapos pa ang imbestigasyon.
Ayon kay Baua, nagsanib-puwersa ang malalaking news outlets at sinunod ang desisyon ng NBI. Subalit sa likod ng balita, kanya-kanyang diskarte ang reporters para makakuha ng sworn statements at ma-interview si Luy. Doon niya naranasan ang isang nakakainis na sitwasyon: mismong si Luy umano ay tumanggi na makipag-usap sa kanya dahil siya’y taga-ABS-CBN.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“I knew that the agents vouched for me e, kasi naki-usap ako haha. Hindi ako Henry Omaga Diaz level syempre. Pero matino akong reporter, at maayos record ko,” pagbabahagi ni Baua. Ngunit kahit anong pakiusap, sinabihan lang siya na kausapin ang kanilang “chief.”
Dagdag pa ni Baua, dito siya nagsimulang magtaka. Hanggang sa makita niya ang isang kilalang anchor na dumadaan sa hallway. Aniya, tinukso pa niya ito: “Hi ___, baka matulungan mo ako. ayaw magpainterview sa aking nung whistleblowers. Sabi nila kausapin daw kita, close daw kayo ni Janet.” Nagulat daw ang naturang anchor at nauutal na nagsabi na kilala lang niya si Napoles.
Kalaunan, nalaman ni Baua na may mga whistleblower na personal na nakakakilala sa ilang reporters at anchors na diumano’y nasa payola list na pinondohan ng scam. Isa raw sa mga nakatala ay isang anchorman na minsan na rin niyang nakatrabaho. Dahil dito, tuluyan siyang nawalan ng pagkakataon na mauna sa kuwento.
Para kay Baua, mahirap patunayan ang bribery sa industriya, tulad din sa gobyerno, pero may mga malinaw na red flags. “Bribery in the industry, much like in government, is hard to prove,” aniya. Kaya’t madalas niya raw ikwento ang karanasang ito sa mga baguhang mamamahayag upang ipakita na hindi sulit ang pagbenta ng integridad kapalit ng pera o impluwensya.
Ang isyu ng suhulan sa media ay matagal nang usapan sa loob ng industriya. Tinatawag itong “envelopmental journalism” kung saan may mga mamamahayag na tumatanggap ng bayad para manipulahin ang tono o nilalaman ng balita. Kadalasan, ginagamit ito ng mga politiko o makapangyarihang personalidad para pabanguhin ang kanilang imahe at patahimikin ang mga negatibong isyu laban sa kanila. Ngunit gaya ng ipinunto ni Baua, mahirap itong mapatunayan dahil bihirang may ebidensya o dokumento na magpapatibay ng akusasyon.
Sa kasalukuyan, mainit pa ring paksa ang isyu ng “paid interview” na unang binanggit ni Mayor Vico Sotto. Kamakailan, nagbigay ng pahayag ang kampo ni Korina Sanchez bilang tugon sa akusasyon. Iginiit ng kanyang team na walang katotohanan ang paratang ni Mayor Vico at iginiit nilang patas at lehitimo ang ginawang panayam.
Bukod dito, nagbigay rin ng matinding pahayag si Arnold Clavio tungkol sa isyu. Ayon sa beteranong broadcaster, mabigat ang paratang ni Mayor Vico at hindi dapat basta-basta akusahan ang mga mamamahayag nang walang sapat na basehan. Pinaalalahanan din niya na ang trabaho ng media ay nananatiling mahalaga sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh