Suspek sa natagpuang bangkay ng batang babaeng nakita sa dalampasigan, sarili nitong ama

Suspek sa natagpuang bangkay ng batang babaeng nakita sa dalampasigan, sarili nitong ama

  • Natagpuang patay at walang saplot ang bangkay ng pitong taong gulang na bata sa dagat sa Dagupan City, Pangasinan
  • Dinakip ang ama ng bata at ang legal nitong asawa bilang pangunahing suspek
  • Nirentahan umano ng suspek ang sasakyan na ginamit sa pagdukot at natunton sila gamit ang iniwang ID
  • Hinihinalang paghihiganti ang motibo ng krimen at posibleng kaharapin ng mag-asawa ang kaso ng kidnapping, parricide, at murder
One North Central Luzon/GMA 7/GMA Regional TV on YouTube
One North Central Luzon/GMA 7/GMA Regional TV on YouTube
Source: Youtube

Dinakip ng mga awtoridad ang isang mag-asawa na pinaghihinalaang responsable sa pagpatay sa isang pitong taong gulang na batang babae na natagpuang patay at walang saplot sa dalampasigan ng Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, Pangasinan noong Agosto 15.

Lumabas sa imbestigasyon na ama mismo ng bata ang lalaking suspek, habang ang kasama nitong babae ay ang legal na asawa niya ngayon.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lawrence Keith Calub, OIC ng Dagupan City Police, naaresto ang mag-asawa sa Sison, Pangasinan noong gabi matapos matagpuan ang bangkay ng bata.

Read also

Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata

Batay sa testimonya ng mga saksi, magkasamang kinuha ng dalawa ang bata sa tapat ng kanilang bahay sa Asingan, Pangasinan noong Agosto 14.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nadakip ang mga suspek matapos matunton ng mga pulis ang nirentahang sasakyan na ginamit sa pagkuha ng bata.

Iniwan umano ng ama ang kanyang ID nang umupa ng sasakyan, na naging susi para matukoy at mahanap sila ng mga awtoridad.

Sa ulat ng GMA Regional TV News, sinabi ni Calub na malamang paghihiganti ang motibo sa krimen.

Konektado umano ito sa usapin ng suporta, pagkakaroon ng nakunan, at mga epekto ng postpartum, ngunit sa huli ay paghihiganti ang pinakamalakas na dahilan.

Isasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman kung pinagsamantalahan din siya bago pinatay.

Sa ngayon, nakakulong ang mag-asawa sa istasyon ng pulisya sa Dagupan at mahaharap sila sa mabibigat na kaso kabilang ang kidnapping, parricide laban sa ama, at kidnapping at murder laban sa babae.

Read also

Ama at madrasta ng 7-anyos na bata sa Pangasinan, inaresto kaugnay ng krimen

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.

In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.

Read also

52-anyos na babae, arestado dahil sa umano'y pagpatay sa sariling ina at kapatid

In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: