Netizen, minura si Bernadette Reyes matapos mag-cover ng baha; GMA reporter, may matapang na sagot
- Nag-post si Bernadette Reyes ng kanyang karanasan sa pagko-cover ng ulan at baha sa Metro Manila
- Isang netizen ang nang-bash at minura siya online sa hindi pagkagusto sa kanyang post
- Marespeto ngunit matapang ang naging tugon ni Bernadette sa pambabastos
- Nanindigan si Bernadette na patuloy siyang maglilingkod sa bayan sa kabila ng pambabatikos
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi basta nagpatinag si GMA Integrated News reporter at anchor na si Bernadette Reyes matapos makatanggap ng bastos na komento mula sa isang netizen tungkol sa kanyang trabaho.

Source: Facebook
Sa kanyang viral Facebook post ngayong Hulyo 22, 2025, ibinahagi ni Bernadette ang larawan habang lubog sa baha kasama ang kanyang cameraman, isang eksenang sumasalamin sa hirap ng pagiging isang field reporter tuwing may sakuna.
Sa kanyang post, ikinuwento ni Bernadette ang hirap ng kanilang trabaho—mula sa pag-alis ng bahay ng maaga, hindi mahagkan ang kanyang anak, hanggang sa paglusong sa ulan kahit kagagaling lang sa sakit. Sa kabila ng lahat ng ito, aniya, pinili pa rin niyang maglingkod sa bayan. “Kahit gusto kong manood ng Netflix, kumain ng champorado at matulog, heto ako lublob sa baha para maghatid ng balita,” saad niya sa post.

Read also
Bagong post ni Vice Ganda, viral: "Gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata"
Ngunit sa halip na puro papuri, isang netizen ang nagpaulan ng mura at pambabastos sa kanya. Tinawag siyang “arte,” sinabing “bobo,” at pinalabas na nagdadrama sa kanyang trabaho. “Palit tayo, kami jan sa labas ikaw sa bahay… dami mong satsat eh di mag-resign ka,” ayon sa komento ng netizen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi ito pinalampas ni Bernadette. Bagamat kalmado at mahinahon, malinaw ang kanyang prinsipyo: “Kung hindi nyo po ma-appreciate ang ginagawa namin, huwag nyo na lang akong murahin. May ilang trabaho na in-offer sa akin, double ang sahod at hindi ko kailangan magtrabaho tuwing bagyo pero pinipili kong maghatid ng balita para sa mga tulad nyong nasa bahay para alam nyo ang sitwasyon sa labas.”
Sa mga sumunod na post, hindi na pinatulan ni Bernadette ang galit kundi binigyang-diin ang kanyang dedikasyon: “Ilang beses nyo man akong murahin o kutyain, patuloy akong magsisilbi sa bayan, ulit-ulitin para sa bayan.”
Si Bernadette Reyes ay isa sa mga batikang field reporter ng GMA Integrated News. Mahigit dalawang dekada na siyang nagseserbisyo sa telebisyon at kilala sa pagiging matapang, tapat, at makatao sa kanyang pagbabalita. Madalas siyang ma-assign sa mga lugar kung saan may sakuna, krisis, o malalaking isyu na kailangang maipaabot agad sa publiko.
Sa isa pang insidente ng pagsubok sa mga mamamahayag, si GMA reporter Emil Sumangil ay nagsalita rin kamakailan ukol sa mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya. Ayon sa kanya, buhay na buhay siya at walang katotohanan ang balitang siya ay pumanaw. Ginamit niya ang kanyang social media upang linawin ang mga haka-haka at panatilihin ang tiwala ng publiko sa mga lehitimong balita.
Sa isang post, nanawagan si Emil ng panalangin mula sa publiko matapos makatanggap umano ng mga banta kaugnay ng kanyang trabaho bilang mamamahayag. Ibinahagi niya ang bigat ng responsibilidad na dala ng kanyang propesyon, lalo na’t madalas siyang humaharap sa mga delikadong isyu. Pinanindigan pa rin niya ang kanyang tungkulin sa kabila ng panganib.
Kung gaano kahalaga ang trabaho ng mga mamamahayag sa panahon ng kalamidad, ganoon din kalaki ang dapat na respeto at pagkilala sa kanilang sakripisyo. Katulad nina Bernadette Reyes at Emil Sumangil, patuloy ang kanilang serbisyo sa kabila ng mga hamon—ulan man, baha, o banta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh