Emil Sumangil nanawagan ng panalangin sa publiko kaugnay ng mga banta sa kanyang trabaho
- Nanawagan si Emil Sumangil ng panalangin sa publiko dahil sa mga peligrong dulot ng kanyang trabaho
- Sa isang Instagram post, ipinakita niya ang sarili na may hawak na rosaryo habang nananalangin para sa kaligtasan
- Naging usap-usapan ang kanyang biglaang pagkawala sa ere, ngunit agad niyang nilinaw na siya ay nagbakasyon lamang
- Inulan ng suporta si Sumangil, kabilang na ang panawagan ng kanyang asawa para sa kanyang proteksyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang makahulugang Instagram post, nagbahagi ang 24 Oras journalist na si Emil Sumangil ng kanyang panalangin kalakip ang picture na hawak ang isang rosaryo.

Source: Facebook
Kasama nito ang taimtim na panalangin, "Iligtas mo ako sa banta’t peligrong dala ng aking trabaho, higit sa lahat sa tukso’t kasalanang lumalason sa aking puso’t isipan, Mahal na Panginoon."
Kasabay nito ay binati rin niya ang kanyang followers ng “Blessed weekend, friends. Wet weekend tayo.”
Bagama’t hindi diretsong tinukoy kung anong banta ang kanyang binabanggit, marami ang nag-ugnay nito sa isang eksklusibong panayam na kanyang ginawa kamakailan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Sumangil ang unang nakausap ni Julie “Dondon” Patidongan, ang akusado-turned-whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungeros. Sa panayam na iyon, may mga binanggit si Patidongan na kilalang personalidad at mga alegasyon ukol sa kung paano diumano'y itinapon sa Taal Lake ang mga katawan ng biktima.
Dahil sa bigat at sensitibidad ng ulat, hindi naiwasan ng publiko na mangamba para sa kaligtasan ni Sumangil. Nagpahayag ng suporta at panalangin ang kanyang asawang si Michelle, na nagpaskil ng mensahe para sa publiko: "We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safety and protection of my husband, Emil Sumangil... Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time."
Ilang araw ring hindi napanood si Sumangil sa telebisyon, dahilan upang lumakas ang agam-agam ng netizens. Ngunit agad itong pinawi ng journalist sa isang Facebook video sa GMA Public Affairs, kung saan sinabi niyang:
“Ako po ay nagbakasyon lamang. Kabaliktaran, sa ilang naglalabasan sa social media. Ako po ay buhay na buhay... Nasa ligtas po akong kalagayan, sa awa at sa kalooban ng mahal na Diyos Ama.”
Isa si Emil Sumangil sa mga kilalang mukha sa larangan ng broadcast journalism sa Pilipinas. Kilala siya sa pag-uulat ng malalalim at sensitibong isyu gaya ng krimen, korapsyon, at pambansang kontrobersiya. Bilang bahagi ng 24 Oras at GMA News, ilang beses na siyang naging sentro ng mga mapangahas na ulat, dahilan upang mailagay rin siya sa peligro sa ilang pagkakataon. Kilala rin si Sumangil sa kanyang investigative reporting, na siyang minsan ay nagiging sanhi ng pagbabanta sa kanyang kaligtasan.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, isinalaysay ng kanyang misis na si Michelle Sumangil ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga netizens na nanawagan ng proteksyon para sa kanyang asawa. Aniya, ang panalangin at pagmamalasakit ng publiko ang nagsilbing lakas nila habang hinaharap ang mga panganib. Ipinagkatiwala rin niya si Emil sa Panginoon at humiling ng patuloy na kaligtasan para sa buong pamilya.
Samantala, sa isa pang follow-up report ng Kami.com.ph, mismong si Emil ang humarap sa publiko upang linawin ang kanyang kalagayan. Bagama’t maraming netizens ang nag-alala, sinabi niya na wala siyang tinatakbuhan at siya ay nasa mabuting kalagayan. Nagpasalamat siya sa lahat ng nagpakita ng suporta, at tiniyak na magpapatuloy siya sa kanyang serbisyo para sa bayan, sa gabay ng Diyos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh