Babaeng vendor, sugatan matapos maatrasan at makaladkad ng bus sa QC

Babaeng vendor, sugatan matapos maatrasan at makaladkad ng bus sa QC

  • Isang babae ang nagtamo ng matinding sugat matapos siyang maatrasan at makaladkad ng isang pampasaherong bus habang ito ay nagbababa ng pasahero sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City
  • Ayon sa ulat ng mga awtoridad, bigla umanong umatras ang bus at muntik pang masagi ang isang taxi bago tuluyang bumangga sa bangketa kung saan naroon ang babaeng vendor
  • Tumagal ng halos dalawampung minuto ang operasyon ng mga rumespondeng awtoridad at residente bago naalis sa pagkakaipit sa gulong ng bus ang biktima at agad siyang naisugod sa ospital
  • Nasa kustodiya na ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District ang drayber ng bus na posibleng masampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in damage to property at physical injuries habang patuloy ang imbestigasyon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang babaeng vendor ang nagtamo ng matinding pinsala matapos siyang maatrasan at makaladkad ng isang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue nitong Linggo ng hapon.

Babaeng vendor, sugatan matapos maatrasan at makaladkad ng bus sa QC
Babaeng vendor, sugatan matapos maatrasan at makaladkad ng bus sa QC (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nakahinto ang naturang bus sa tabi ng kalsada upang magbaba ng pasahero nang bigla umano itong umatras. Sa hindi pa matukoy na dahilan, mabilis ang naging galaw ng bus pabalik at muntik nang masagi ang isang taxi na nasa likuran nito.

Sa halip na huminto, tuloy-tuloy pa rin ang pag-atras ng bus patungong bangketa, dahilan upang masagi at maipit ang isang babaeng vendor na noon ay nasa gilid lamang ng kalsada. Tumama ang kanyang hita sa gulong ng bus at siya ay nakaladkad, ayon sa nakasaksing mga residente sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga residente at traffic enforcers upang mailigtas ang biktima. Umabot ng halos dalawampung minuto bago siya naiahon mula sa ilalim ng bus at naisugod sa pinakamalapit na ospital.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasa kustodiya na ngayon ng Traffic Sector 5 ng QCPD ang bus driver na sangkot sa insidente. Posible siyang masampahan ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injuries habang patuloy na iniimbestigahan ang tunay na dahilan ng biglaang pag-atras ng sasakyan.

ng mga pampublikong bus ay kabilang sa mga pangunahing sanhi ng aksidente sa mga pangunahing lansangan sa bansa. Sa mga nakalipas na taon, marami nang insidente ng pagmamalabis o kapabayaan sa pagmamaneho ang naiulat, kadalasan ay dahil sa kawalan ng maayos na regulasyon, kakulangan sa training, o pressure sa oras ng biyahe. Ang Commonwealth Avenue, na kilala sa dami ng sasakyan at aksidente, ay tinaguriang "killer highway" dahil sa madalas na sakunang kinasasangkutan ng mga pampasaherong sasakyan gaya ng jeep at bus.

Noong mga nakaraang araw, laman din ng balita ang isang insidente kung saan isang PWD ang sinaktan at kuryentehin umano ng konduktor sa loob ng isang bus. Ang biktima ay nagsampa na ng reklamo laban sa konduktor at sa kumpanya ng bus. Ang naturang insidente ay muling nagpapanawagan ng karampatang aksyon at disiplina sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Samantala, sa Zamboanga del Sur, isa pang trahedya ang kinasangkutan ng isang bus matapos itong mahulog sa bangin na nagresulta sa pagkasawi ng ilang pasahero at pagkasugat ng marami pa. Iniimbestigahan din kung may pagkukulang sa bahagi ng driver o ng kumpanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate