PWD na nag-viral matapos saktan at kuryentehin sa bus, naghain na ng reklamo

PWD na nag-viral matapos saktan at kuryentehin sa bus, naghain na ng reklamo

  • Si alyas "Mark," ang PWD na nag-viral matapos kuryentehin at saktan sa isang bus ay tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban sa mga nanakit sa kanya
  • Kasama ang kanilang legal counsel at si Department of Transportation secretary Vince Dizon, nagtungo si Mark at kanyang pamilya sa Makati City Prosecutor's Office
  • Child abuse ang isinampang kaso laban sa bus driver, kundoktor ng bus, 4 na iba pang mga pasahero ng bus na nanakit kay Mark, pati ang nang-taser umano kay Mark, at ang isang security guard na kumuha ng video ng pangyayari
  • Ayon sa ulat sa 'Frontline Express' ng TV5, nakilala ang mga sinampahan ng reklamo sa tulong din ng social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Frontline Express/TV 5/ News5Everywhere on YouTube
Frontline Tonight/TV 5/ News5Everywhere on YouTube
Frontline Express/TV 5/ News5Everywhere on YouTube Frontline Tonight/TV 5/ News5Everywhere on YouTube
Source: Youtube

Si alyas "Mark," ang PWD na nag-viral matapos kuryentehin at saktan sa loob ng isang bus, ay pormal nang nagsampa ng reklamo laban sa mga sangkot sa pananakit sa kanya.

Kasama ang kanilang legal counsel at si Department of Transportation Secretary Vince Dizon, nagtungo si Mark at ang kanyang pamilya sa Makati City Prosecutor's Office upang isampa ang reklamo.

Child abuse ang isinampang kaso laban sa bus driver, kundoktor ng bus, apat na iba pang pasahero na nanakit kay Mark, ang taong umano’y nang-taser sa kanya, at isang security guard na kumuha ng video ng insidente.

Ayon sa ulat ng 'Frontline Express' ng TV5, natukoy ang mga kinasuhan sa tulong na rin ng social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaan na nuong Hunyo, nag-viral ang video ni Mark habang nasa loob siya ng isang bus.

Duon ay nangagat at nagwala daw si Mark dahil naingayan siya sa tunog ng cellphone.

Child abuse daw ang tamang kaso dahil kinokonsidera ang kalagayan ni Mark na PWD na may autism spectrum disorder.

Samantala, pinag-aaralan umano ng kampo ni alyas Mark ang pagsasampa ng reklamo sa isa pa niyang viral video nuong nakaraan kung saan nakita siyang sinasaktan.

Panuorin ang kabuuan ng balita sa bidyo ng News 5:

Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay madalas na nagva-viral sa social media, dahil sa atensyong ibinibigay ng mga netizen dito. Ang mga viral na post na ito ay kadalasang humahawak sa damdamin ng mga tao, at sa ilang bihirang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, kaya naman mas nagiging relatable sila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, si "Mark," ang PWD na inatake sa likurang bahagi ng bus ng mga pasahero, ay na-interview ng eksklusibo ng News5 sa kanilang tahanan sa San Jose Del Monte, Bulacan. Si Mark ay may autism spectrum disorder at hirap makipag-usap, kaya kakaunting salita lamang ang kanyang nasabi para ilarawan ang dinanas. Itinuro niya ang iba't ibang bahagi ng kanyang katawan na masakit. Ayon sa kanyang kapatid, nakauwi si Mark sa kanilang bahay kinabukasan.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, gusto ng Department of Transportation na sampahan ng kasong kriminal ang konduktor ng bus na gumamit umano ng taser sa isang PWD. Matatandaang kumalat online ang isang viral na video ng PWD na pasahero ng bus na kinilalang si "Mark." Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon noong Lunes, hihilingin niya sa LTFRB na magsampa ng kasong kriminal laban sa naturang konduktor. Samantala, sinuspinde na ng 90 araw ang lisensya ng drayber ng bus na sangkot sa insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)