Bagong Santo Papa, makailang beses na umanong nakabisita sa Pilipinas

Bagong Santo Papa, makailang beses na umanong nakabisita sa Pilipinas

- Makailang beses na umanong nakabisita sa bansa ang bagong hirang na Santo Papa

- Ibinahagi ng Seminario San Agustin ang ilang mga larawang nagpapakitang nakasama na nila ang Santo Papa

- Ilan s akanyang mga nabisita ay ang San Agustin Church, Intramuros, Colegio San Agustin - Biñan, at University of Regina Carmeli Malolos, Bulacan

- Si Pope Leo XIV ang nahirang na bagong Santo Papa kapalit ng namayapang si Pope Francis

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Tila mapalad ang Pilipinas na makailang beses na 'di umanong nabisita ng bagong hirang na Santo Papa na si Pope Leo XIV.

Pope Leo XIV
Bagong Santo Papa, makailang beses na umanong nakabisita sa Pilipinas (Genesis Pacaldo Labana/ Seminario San Agustin)
Source: Facebook

Sa mga larawang ibinahagi ng Saminario San Agustin sa ABS-CBN, makikitang nakapagmisa pa ang dating si Rev. Fr. Robert Francis Prevost OSA sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila kaugnay sa Order of Saint Augustine's Intermediate General Chapter in 2010.Sa mga larawang ibinahagi ng Saminario San Agustin sa ABS-CBN, makikitang nakapagmisa pa ang dating si Rev. Fr. Robert Francis Prevost OSA sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila kaugnay sa Order of Saint Augustine's Intermediate General Chapter in 2010.

Sa mga larawan namang naibahagi ni Genesis Pacaldo Labana, makikita ang iba pang lugar sa bansa na nabisita ni Pope Leo XIV. Ilan sa mga ito ay ang Colegio San Agustin sa Biñan, Laguna at University of Regina Carmeli sa Malolos, Bulacan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inabot ng halos dalawang araw ang conclave of Cardinals sa pagpili ng bagong Santo Papa. Matatandaang isa sa matunog na pangalang papalit umano kay Pope Francis ay ang isa sa mga pilipinong kardinal na si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Pope Leo XIV ang bagong hirang na Santo Papa na dating kilala bilang Cardinal Robert Francis Prevost. Siya ang kauna-unahang Amerikanong naging Pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Ipinanganak siya noong Setyembre 14, 1955, sa Chicago, Illinois, at miyembro ng Order of Saint Augustine. Bilang isang misyonaryong obispo, nagsilbi siya sa Peru bago itinalaga bilang kardinal noong 2023 at naging Prefektong ng Dicastery for Bishops. Noong Mayo 8, 2025, siya ay nahirang bilang Santo Papa sa isang papal conclave na dinaluhan ng 133 kardinal. Pinili niyang gamitin ang pangalang Leo XIV, bilang paggalang kay Pope Leo XIII na kilala sa kanyang mga turo ukol sa social justice at moralidad.

Sa kanyang unang talumpati bilang Santo Papa, nagbigay siya ng mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa, at nagbigay galang sa kanyang naunang tagapagtanggol, si Pope Francis, na pumanaw noong Abril 21, 2025. Matatandaang naging kritikal pa ang lagay ni Pope Francis, at nang bumuti ang kanyang lagay, nagawa pa niyang magbasbas sa publiko sa pagdiriwang ng Easter Sunday ngayong taon.

Ang unang malaking pampublikong kaganapan ni Pope Leo XIV ay ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama ang mga kardinal sa Mayo 9, 2025, sa Sistine Chapel. Inaasahan din ang kanyang unang Angelus sa Mayo 11 mula sa bintana ng Apostolic Palace ng Vatican.

Samantala, bago si Pope Francis naging usap-usapan din ang pinalitan nitong Santo Papa na si Pope Benedict XVI na namayapa noong 2022. Matatandaang nagbitiw ito sa kanyang tungkulin noong 2013 dahil 'di umano sa kanyang kalusugan. Sinasabing ang resignation niyang ito ay makasaysayan din dahil ito umano ang kauna-unahan sa ating henerasyon gayung ang naitalang unang pagbibitiw sa katungkulan bilang Santo Papa ay isinagawa ni Gregory XII, nasa 600 taon na umano ang nakararaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica