Henry Omaga-Diaz, nagpaalam na sa TV Patrol matapos ang mahigit 30 taon sa ABS-CBN

Henry Omaga-Diaz, nagpaalam na sa TV Patrol matapos ang mahigit 30 taon sa ABS-CBN

- Nagpaalam na si Henry Omaga-Diaz sa ABS-CBN at TV Patrol matapos ang mahigit 30 taon ng serbisyo

Inanunsyo niya ang kanyang pag-alis sa Friday episode ng TV Patrol, na siya'y magsisimula ng bagong buhay sa ibang bansa

Nagpasalamat siya sa ABS-CBN newsroom at sa mga boss ng kompanya para sa kanilang suporta

Pinuri siya ng kanyang mga co-anchor na sina Noli de Castro, Karen Davila, at Bernadette Sembrano-Aguinaldo para sa kanyang kabaitan at dedikasyon

Matapos ang mahigit tatlong dekadang serbisyo sa ABS-CBN, nagpaalam na si veteran TV anchor Henry Omaga-Diaz sa kanyang mga kasamahan at tagasubaybay sa "TV Patrol" noong Biyernes. Sa huling episode ng newscast, inanunsyo ni Omaga-Diaz na siya ay magsisimula ng bagong kabanata ng kanyang buhay sa ibang bansa.

Henry Omaga-Diaz, nagpaalam na sa TV Patrol matapos ang mahigit 30 taon sa ABS-CBN
Henry Omaga-Diaz, nagpaalam na sa TV Patrol matapos ang mahigit 30 taon sa ABS-CBN
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Chie Filomeno, sinagot ang netizen na nagtanong kung anorexic ba sya

Sa pagtatapos ng programa, inilahad ni Omaga-Diaz kung gaano niya mami-miss ang kanyang ABS-CBN family, partikular na si Kabayan Noli de Castro at Karen Davila, na kanyang mga kapwa anchor. Ibinahagi niya ang mga masasayang alaala ng kanilang mga kwentuhan at tawanan sa likod ng kamera.

Nagpasalamat din si Omaga-Diaz sa dedikasyon at sipag ng mga kasamahan sa ABS-CBN newsroom. Binanggit niya ang kanilang walang sawang suporta mula sa pag-edit ng script hanggang sa pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa kanya.

Nagbigay naman ng mensahe ang kanyang co-anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, na nagsabing, "Respeto, saludo sa priorities mo. Iyakap mo na lang kami sa pamilya mo. Idol."

Samantala, pinuri rin ni Karen Davila si Omaga-Diaz, at sinabi niyang siya ay isang "living example" dahil sa kanyang kababaang-loob at kabaitan, on at off camera.

Sa kanyang pamamaalam, nagpasalamat si Omaga-Diaz sa mga boss ng ABS-CBN, partikular kina Sir Carlo Katigbak, Mark Lopez, Tita Cory Vidanes, at Ging Reyes, para sa kanilang suporta.

Read also

Rapper at partner nitong vlogger, kabilang sa hinuli dahil sa vishing scam

Si Omaga-Diaz ay nagsimula bilang Radyo Patrol reporter bago lumipat sa telebisyon, at naging bahagi ng mga makabuluhang programa tulad ng "Hoy Gising!," "Magandang Gabi... Bayan," at "Exklusibong, Explosibong, Expose." Isa rin siya sa mga naghatid ng mga investigative reports na naglalantad ng mga katiwalian sa gobyerno at nagtatanggol sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Matapos ang mahabang panahon ng paglilingkod, mag-uumpisa si Omaga-Diaz ng bagong yugto sa kanyang buhay sa Canada.

Matatandaang nagbigay-pugay si ang TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido sa kanyang mentor na si Mario Dumaual sa pagpanaw nito sa edad na 64

Ipinahayag ng mga anchor ng “TV Patrol” na sina Noli De Castro, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz ang kanilang kalungkutan sa pagpanaw ni Mike Enriquez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate