KMJS, naglabas ng pahayag matapos ang mga komento sa kanilang 'Killua' episode

KMJS, naglabas ng pahayag matapos ang mga komento sa kanilang 'Killua' episode

- Naglabas ng pahayag ang programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' kasunod ng mga reaksiyon sa kanilang episode noong nakaraang Linggo

- Patungkol ito sa pagkakapaslang sa asong si Killua sa Camarines Sur

- Sa nilabas nilang pahayag, mariing pinabulaanan ng KMJS ang alegasyong binigyang-katwiran nila ang pagpaslang sa aso

- Anila, sa ngalan ng patas na pamamahayag ay kinuha nila ang panig ng may-ari ng aso, ng tanod at ng mga nakasaksi sa pangyayari

Naglabas ng statement ang Kapuso Mo, Jessica Soho kasunod ng mga reaksiyon sa kanilang episode noong nakaraang linggo patungkol sa kaso ng pagpaslang sa asong si Killua. Pinabulaanan nilang binigyang-katwiran nila ang pagpaslang sa aso.

KMJS, naglabas ng pahayag matapos ang mga komento sa kanilang 'Killua' episode
KMJS, naglabas ng pahayag matapos ang mga komento sa kanilang 'Killua' episode
Source: Facebook

Kinuha lamang daw nila ang panig ng fur parent, ng tanod at mga nakasaksi sa insidente sa ngalan ng patas na pamamahayag.

Kagaya ng iba naming mga report, kinuha namin ang salaysay ng fur parent ni Killua, ng tanod, at iba pang nakasaksi sa pangyayari, sa ngalan ng patas na pamamahayag

Read also

Shaira, 'speechless' matapos siyang ayusan para sa isang photoshoot

Anila, nabanggit sa naturang episode na hindi tama ang patayin ang aso.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binanggit din sa segment na hindi nararapat patayin ang aso kahit pa nakakagat ito at paparusahan ang mga lalabag sa Animal Welfare Act. Hinihikayat din ang lahat na maging responsableng dog owner

Matatandaang umani ng reaksiyon sa netizens ang pagpaslang sa asong si Killua na isang Golden Retiever. Marami ang nagalit nang makita ang video ng pagpaslang at paghabol sa naturang aso na naganap sa Camarines Sur. Maging ang mga kilalang personalidad ay nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na aso.

Matatandaang inihayag ni Sarah Geronimo ang kanyang saloobin kaugnay sa pagpaslang sa asong si Killua. Bilang isang fur parent, kabilang siya sa mga personalidad na nanindigang dapat mapanagot ang pumaslang sa aso. Ani Sarah, panahon na para manindigan laban sa animal cruelty. Matatandaang nag-viral sa social media ang post ng amo ng naturang aso kaugnay sa pagpaslang sa kanya ng isang lalaki.

Read also

KC Concepcion, ibinida ang 'Top 10 most memorable gifts mula sa mommy niya

Pinalagan naman ni Andrea Brillantes ang mga komento ng ibang tao na sabi ay "sana mga asong kalye na lang" ang pinaslang. Inihayag niya ang kanyang saloobin at kung paano siya mag-adopt ng mga aso na kanyang nare-rescue. Kasunod ito ng pagpapalabas ng pahayag ng pumaslang kay Killua na nagsabing ginawa lang niya ang tama. Inalmahan niya ang komentong sana ay sa asong kalye na lang nangyari iyon at hindi sa may lahi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate