Australian content creator na si Mike Smith, hinangaan sa paglilinis ng ilog ng Pateros
- Marami ang bumilib kay Mike Smith, isang Australian content creator na Founder ng Zero Co
- Sa kanyang post ay inilarawan niya ang Pateros River bilang dirtiest river na nakita niya
- Binahagi niya sa kanyang Instagram post ang video ng paglilinis nila sa Pateros River na inabot ng sampung araw
- 240 na volunteers mula sa Taguig City government at mula sa Department of Environment and Natural Resources ang tumulong
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Marami ang bumilib sa Australian content creator na si Mike Smith matapos niyang ibahagi ang kanilang paglinis ng Pateros River sa loob ng 10 araw. Sa kanyang post ay inilarawan niya ang Pateros River bilang dirtiest river na nakita niya.
Sa kanyang post ay pinakita niya ang kanilang paglilinis sa ilog.
“The Pateros in Manila (Philippines) is the dirtiest river l've ever seen. Over the last week together with zeroco.com.au and thehiddenseawine we removed every single piece of rubbish,”
240 na volunteers mula sa Taguig City government at mula sa Department of Environment and Natural Resources ang tumulong.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang Pateros ay isang bayan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ito ay kilala bilang "Duck Capital of the Philippines" dahil sa industriya ng pag-aalaga ng itik na kilala sa lugar. Matatagpuan ito sa timog-silangang bahagi ng Metro Manila at may populasyon na mga may 60,000 katao batay sa huling tala noong 2020. Isa itong maliit na lungsod na kilala rin sa paggawa ng balut, isang pagkaing Pilipino na galing sa itlog ng pato.
Matatandaang naging kontribersiyal din ang pagtatambak ng dolomite sa tinaguriang Dolomite beach. Dinagsa ang Manila Bay matapos na bahagya itong buksan sa publiko. Marami ang dumagsang tao na tila nakalimutan ang social distancing. Mapapansin ding may mga bata at matatandang nakakasalamuha ng maraming tao gayung pinagbabawalan pa rin silang lumabas sa ilalim ng general community quarantine.
Nag-viral ang mga larawan ni Renalyn Macato o mas kilala sa tawag na "Miss Dolomite". Kung dati ay agaw-eksena siya sa Manila Bay, ngayon naman, sa white sand naman siya ng Boracay nagpapalit-palit ng kanyang mga swimsuit. Halos kabubukas lang muli ng Boracay sa mga turista subalit hindi nagpahuli si Miss Dolomite at ngayon, two-piece na talaga ang swimsuit na kanyang isinuot sa Boracay. Naaliw pa rin naman ang mga netizens habang ang ilan ay nagnanais na sana raw ay magawa nila ang mga nagagawa ni Renalyn.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh