Tinaguriang 'Miss Dolomite' ng Manila Bay, sa Boracay naman nag-swimsuit

Tinaguriang 'Miss Dolomite' ng Manila Bay, sa Boracay naman nag-swimsuit

- Muling nag-viral ang mga larawan ni Renalyn Macato o mas kilala sa tawag na "Miss Dolomite"

- Kung dati ay agaw-eksena siya sa Manila Bay, ngayon naman, sa white sand naman siya ng Boracay nagpapalit-palit ng kanyang mga swimsuit

- Halos kabubukas lang muli ng Boracay sa mga turista subalit hindi nagpahuli si Miss Dolomite at ngayon, two-piece na talaga ang swimsuit na kanyang isinuot sa Boracay

- Naaliw pa rin naman ang mga netizens habang ang ilan ay nagnanais na sana raw ay magawa nila ang mga nagagawa ni Renalyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinaguriang 'Miss Dolomite' ng Manila Bay, sa Boracay naman nag-swimsuit

Renalyn Macato (Photo from Renalyn Macato's Facebook)
Source: Facebook

Agaw-eksena ulit si Renalyn Macato o mas kilala bilang si "Miss Dolomite" dahil muli siyang nag-swimsuit at ngayon ay sa Boracay naman.

Nalaman ng KAMI na kaya siya tinaguriang "Miss Dolomite" ay dahil sa pagsusuot niya ng pulang one-piece swimsuit sa Manila Bay nang binuksan ito sa publiko.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Sa dinami-rami ng dumagsa upang masaksihan ang 'white sand' sa Manila Bay, tanging ang 46-anyos na si Renalyn lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na mag-swimsuit doon.

Subalit nilinaw ni Renalyn na kahit siya ay naka-swimsuit, hindi pa rin naman siya nag-swimming doon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanyang edad, katuwaan na lamang nila ng kanyang mga kaibigan ang pagsusuot ng bathing suit.

At kamakailan nga ay sa Boracay naman namayagpag si Renalyn kasama ng kanyang mga kaibigan sa pagbubukas muli ng isla.

Doon naman siya nagpapalit-palit ng two-piece na swimsuit at nag-enjoy pa rin sa white sand.

Narito ang ilan sa mga larawan ni "Miss Dolomite" sa Boracay:

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Wow, buti pa si Miss Dolomite nakapagtravel na at nakapagrelax"
"Nakakatuwa naman po kayo, sana all nakapag-Bora na ulet"
Palaban! China Roces, nagpost tungkol sa 'umalis at bagong parating'
"Nakaka-inspire po kayo sa totoo lang. Di po lahat kaya yang nagagawa niyo. And mukha pong nag-eenjoy kayo. Iyon naman ang mahalaga"
"From Manila Bay to Boracay... Nakakatuwa po kayo pero doble ingat po and stay safe"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang Setyembre nang magdala ng good vibes si Renalyn sa pagbubukas sa publiko ng bagong bihis na Manila Bay.

Subalit sa kabila ng kasiyahan na kanyang hatid, may ilang napansin naman ang publiko tulad ng hindi na nasunod na safety protocols sa lugar tulad ng social distancing.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel