Miriam Quiambao at mister na si Ardy Roberto, muling ikinasal sa kanilang 10th wedding anniversary

Miriam Quiambao at mister na si Ardy Roberto, muling ikinasal sa kanilang 10th wedding anniversary

- Binahagi ni Miriam Quiambao ang ilang pictures sa ginanap na renewal of vows nila ng kanyang mister na si Ardy Roberto

- Sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-10 taon bilang mag-asawa ay ginanap ang renewal of vows

- Base sa post ng Nice Print na siyang kanilang official photographer, ginanap ito sa Palm's Country Club, Alabang

- Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netisens para sa mag-asawa

Muling ikinasal sina Miriam Quiambao at mister na si Ardy Roberto. Sa kanilang pagdiriwang ng ika-sampung taon bilang mag-asawa ay ginanap ang renewal of vows ng mag-asawa.

Miriam Quiambao at mister na si Ardy Roberto, muling ikinasal sa kanilang 10th wedding anniversary
Miriam Quiambao at mister na si Ardy Roberto, muling ikinasal sa kanilang 10th wedding anniversary
Source: Instagram

Base sa post ng Nice Print na siyang kanilang official photographer, ginanap ito sa Palm's Country Club, Alabang. Ang Nice Print din ang nag-cover noon sa kanilang kasal sampung taon na ang nakakalipas.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netisens para sa mag-asawa. Narito ang ilang komento:

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Congrats! Cheers to more years of love and happiness❤❤❤ God bless your marriage po

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bless you more, Miriam and your family.
Wow! 10 years na pala @miriamq888! Happy blessed anniversary sa inyo ni Ardy!

Si Miriam Quiambao ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas. Siya ay kilala bilang isang beauty queen, modelo, at TV host. Nakilalal siya bilang kandidata sa Miss Universe pageant noong 1999 kung saan siya ay nakamit ang ikalawang puwesto. Si Miriam Quiambao ay itinuturing na inspirasyon sa marami dahil sa kanyang tagumpay at husay sa larangan ng pageantry at sa kanyang patuloy na kontribusyon sa lipunan.

Matatandaang taong 2022 nang nag-positibo sa COVID 19 ang mag-asawang Miriam at Ardy. Ayon kay Miriam, nabakunahan sila nang Jan. 5 sa Festival Mall at nanatili doon buong araw. Aniya, na-expose sila sa maraming tao doon mismo sa vaccination site. Napatanong tuloy si Miriam dahil kung kailan daw siya nabakunahan ay doon pa siya nagka-COVID.

Read also

Kim Chiu at Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanilang collab

Naibahagi ni Miriam ang tungkol sa pagpunta ng kanilang pamilya sa Boracay upang doon manirahan sa loob ng isang taon. Aniya, gusto nilang maranasan ang island life. Nagkaroon raw sila ng problema sa QR na siyang kailangan kapag magbibiyahe noong panahon ng pandemta ngunit naayos naman ito. Umani ng reaksiyon ang post na ito ni Miriam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel