Manila Bay, patuloy na dinadagsa para lang makapag-selfie sa 'white sand'

Manila Bay, patuloy na dinadagsa para lang makapag-selfie sa 'white sand'

- Patuloy na dinadagsa ang Manila Bay matapos na bahagya itong buksan sa publiko

- Marami ang dumagsang tao na tila nakalimutan ang social distancing

- Mapapansin ding may mga bata at matatandang nakakasalamuha ng maraming tao gayung pinagbabawalan pa rin silang lumabas sa ilalim ng general community quarantine

- Tanging ang face mask at face shield nila ang nagsisilbing proteksyon nila sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Manila Bay, patuloy na dinadagsa para lang masilayan ang 'white sand'
Ang Manila Bay noon (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Marami ang nakiusyoso at nais na masilayan ang bagong bihis ng Manila Bay dahil sa mayroon na itong 'white sand.'

Nalaman ng KAMI na bahagya itong binuksan sa publiko na nais makakita ng 'new look' ng Manila Bay.

Ayon sa GMA News, kapansin-pansin ang haba ng pila papasok sa 'white sand' view ng lugar.

Kahit na may mga bantay na nagpapaalala ng "social dstancing" gamit ang mga karatula, di na halos ito nasusunod sa dami ng tao.

Read also

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

Base pa sa ulat ng ABS-CBN News, may ilang mga bata rin at matanda sa lugar bagama't ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga ito sa ilalim ng general community quarantine.

May suot mang face mask at face shield, nakababahala pa rin umano ang dikit dikit na tao na tila walang kinatatakutang virus na patuloy pa rin namang lumalaganap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ng Philippine Star maging ang bahagi ng Roxas Boulevard ay napupuno na rin ng tao magkaroon lamang ng pagkakataong magselfie sa 'white sand' ng Manila Bay.

Kamakailan ay inulan ng kontrobersiya ang paglalagay ng dinurog na dolomite na naging 'white sand' na bahagi umano ng rehabilitasyon at pagpapaganda ng Manila Bay.

Maging ang alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Isko Moreno ay bumisita sa lugar at ipinagpasalamat sa pamahalaan ang rehabilitasyon ng popular na lugar sa lungsod.

Read also

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo

Isa raw itong napakagandang inisyatibo ng pagtuloy na paglilinis at pagpapaganda ng Manila Bay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panibagong bihis na ito ng Manila Bay, marami ang nakapagsabi na tila nagmistulang nasa 'Boracay' sila dahil sa buhangin at awra ng lugar.

Umani rin ng batikos ang naturang proyekto dahil sa epekto ng materyal na ginamit dito at ang 'timing' ng pagsasagawa nito sa gitna ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica