Fr. Jerome Secillano ng CBCP sa drag performance ni Pura Luka Vega: "It's totally disrespectful"

Fr. Jerome Secillano ng CBCP sa drag performance ni Pura Luka Vega: "It's totally disrespectful"

- Nagbigay na ng pahayag ang spokesperson ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines ukol sa viral drag performance ni Pura Luka Vega

- Nilarawan niya itong "disrespectful to the religion" lalo pa at ginamit ang awit panalangin na 'Ama Namin' na sinasabayan pa ng mga nanonood kay Pura

- Malinaw na 'for entertainment' purposes ang ginagawa ni Pura sa video taliwas sa sinsabing paraan umano ng papuri

- Samantala, nang tanungin si Pura kung gagawin pa rin niya muli ang naturang panggagaya kay Kristo, 'yes' ang naging kasagutan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam ni Pinky Webb ng The Source ang spokesperson ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na si Fr. Jerome Secillano tungkol sa kontrobersyal na drag performance ni Pura Luka Vega.

Fr. Jerome Secillano ng CBCP sa drag performance ni Pura Luka Vega: "It's totally disrespectful"
Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

Matatandaang gumawa ito ng ingay sa social media matapos mag-viral ang video ni Pura na nakadamit na tulad ng imahe ni Hesukristo.

Read also

Cristy Fermin, sa kung paano ise-celebrate ng TAPE ang 44th anibersaryo ng EB: "Nakakahiya, walang footage"

"When I first saw it, I feel disgusted really from what I saw. And it's totally disrespectful to the religion. And even to the sentiments also of the Catholics for that matter because it's very clear there that some elements of our faith, sacred elements at that were used for secular purposes especially for entertainment."

Ang mas nakapukaw din ng pansin dito ay ang awit panalangin na 'Ama Namin' na kanilang kinakanta habang nagtatanghal si Pura.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"It is not just an ordinary prayer. It is the 'Ama Namin' The Our Father, toto as by Christ himself. It is so biblical. So if it is used for entertainment purposes, just like what we saw in the video, people were shouting People were taking videos. People were laughing, so that is not sacred at all"

Read also

Cristy Fermin, sinabing may karapatan si Sabrina M na wag magbigay ng public apology

Binigyang diin pa ni Fr. Jerome na "Sacred elements should be used for sacred purposes also," gayung malinaw umano na purely entertainment ang naturang pagtatanghal.

"What you saw in the video is not a way of practicing your religion. It's not even a way of expressing ones' faith. As I saw it in the video it's a way of entertaining people. It's not even a worship thing"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa The Source ng CNN Philippines:

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.

Read also

Lolit Solis, sinabing wala na si Willie Revillame sa "utak ng bagong generation"

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica