Admin aide ng Malacañang, patay matapos na umano'y mahulog sa gusali
- Nasawi ang isang administrative aide ng Palasyo ng Malacañang ngayong Hulyo 14
- Sinasabing nahulog umano ito mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall
- Patuloy naman ang imbestigasyon sa kung paano at bakit umano ito nahulog
- Nakikiramay naman ang palasyo sa naiwang pamilya ng kanilang personnel
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Patay ang administrative aide ng Palasyo ng Malacañang na nakilalang si Mario Castro, umaga ng Huyo 14.
Nalaman ng KAMI na si Castro ay naka-assign umano sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting ng palasyo.
Sa ulat ng GMA News, nahulog sa hindi pa nalalamang dahilan si Castro mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall.
Ang Mabini Hall ay binubuo ng ilang gma opisina sa ilalim ng executive branch, kasama na rito ang mga deputy of the Executive Secretary, gayundin ang mga opisina ng mga presidential advisers. Kilala rin ang gusaling ito bilang Malacañang Administration Building.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa press briefing na isinagawa sa pangunguna ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabing agad na pinaiimbestigahan na ang naturang insidente.
"Kasalukuyang iniimbestigahan ang kanyang pagkamatay at nagko-coordinate ang Presidential Security Group at ang PNP Security Force Unit," ani ni Angeles. Ipinaabot din niya ang pakikiramay ng palasyo sa naiwang pamilya ni Castro at inihayag din nila ang pagtulong at pag-alalay sa mga ito.
Ibinahagi rin ng Inquirer ang pahayag ni Angeles ukol sa insidente:
Matatandaang noon lamang nakaraang linggo, gumulantang sa publiko ang dalawang installer ang nasawi sa pagbagsak ng inaaayos nilang elevator sa Burgundy tower sa Makati City.
Nalaman ng KAMI na naganap ang naturang insidente bandang alas sais ng umaga ng Hulyo 8.
Unang naiulat na isa lamang ang binawian ng buhay sa nasabing insidente. Sabalit matapos ang ilang oras, narekober pa ang isang bangkay.
Mula sa ikaanim na palapag ng gusali, bumagsak ang naturang elevator na siyang dahilan ng pagkamatay ng dalawa.
Ayon sa pamunuan ng nasabing gusali, anim ang elevator sa nasabing condominium at bukod tanging ang bumagsak na elevator ang matagal nang out of order kaya naman kinukumpuni ito ng mga elevator installer.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, dalawa pang elevator installer ang nasabing sugatan sa naturang insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh