SUV driver sa umano'y viral hit-and-run sa sekyu ng Mandalauyong, kakasuhan na
- Masasampahan na ng kaukulang kaso ang driver ng SUV na sasngkot sa hit-and-run na nasapul sa video
- Ayon sa Mandaluyong Police frustrated murder ang haharaping reklamo ng driver base na rin sa video
- Sa kumalat na video, makikita kung paano binundol at diretsahang ginulungan ang guwardiya ng SUV
- Dahil dito nagtamo ng head injury at rib fractures ang guwardiya umalalay sa daloy ng trapiko sa intersection ng Julio Vargas Avenue at St. Francis Street
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Frustrated murder ang isasampang kaso sa driver ng puting SUV na umano'y walang-awang sumagasa sa 31-anyos na security guard na nakilalang si Christian Joseph Floralde.
Nalaman ng KAMI na sa inisyal na imbestigasyon sa umano'y hit-and-run na naganap noong Hunyo 5, reckless imprudence resulting in physical injuries sana ang reklamong ihahain sa driver.
Subalit sa muli nilang pag-review ng video na nakuha ni Manuel Sayre, masasabing frustrated murder ang haharaping kaso ng driver.
“Nung nireview natin yung video that was posted on social media, pwede naming i-file siya ng frustrated murder due to the circumstances na was viewed from the video that was uploaded," ayon kay Mandaluyong City Police Chief Col. Gauvin Mel Unos sa panayam sa kanya ng CNN Philippines.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang nito lamang Linggo, gumulantang sa publiko ang video kung saan makikita kung paanong binundol si Floralde na noo'y tila pinatatabi lamang ang SUV.
Dahil sa pagkabundol, natumba ang sekyu na nagawa pang gulungan umano ng driver na pumuga na matapos itong gawin.
Matapos ang insidente, nadala umano si Floralde sa pagamutan kung saan nagtamo siya ng head injury at rib fracture.
Matatandaang noong Mayo 2021, hinangaan naman ang isang traffic enforcer na hindi lumaban sa sinita niyang motorista dahil 'beating the red light' ito. Pumalag ang babae na nagawa pang saktan ang enforcer.
Nag-viral pa ang video ng komprontasyong ito na nauwi sa pagkabisto ng umano'y iba pang 'di magandang gawain ng babae na may kaugnayan sa droga.
Samantala, nagbigay saya naman sa mga netizens ang video ng isa ring enforcer na nagawang humataw sa mga 'TikTok Dance' habang isinasaayaos ang trapiko sa gitna ng kalsada. Ang nakakaagaw pa lalo ng pansin ng mga dumaraan ay ang music na ginagamit niya sa pagsasayaw na kilalang-kilala ngayon sa TikTok.
Source: KAMI.com.gh