Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

- Isang take lang umano ang kahanga-hangang 'confession scene' ni Bettina na ginampanan ni Kaila Estrada sa 'Can't Buy Me Love'

- Mismong ang direktor nitong si Mae Cruz-Alviar ang nagdetalye kung paano ibinuhos ni Kaila ang husay niya sa pag-arte sa naturang eksena

- Halos isang take lamang umano ito ayon kay Direk Mae at doon masasabi niyang isa si Kaila sa mga susunod na henerasyon ng superstar

- Matatandaang hindi ito ang unang beses na hinangaan si Kaila sa husay niya sa pag-arte at una itong napansin sa seryeng Linlang

"One take lang ‘yon halos," ito ang pahayag ni Direk Mae Cruz-Alviar ng Can't Buy Me Love nang sa isang interview sa kanya tungkol sa kontrobersyal na confession scene sa pangalawa sa huling episode ng serye.

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confrontation scene sa CBML
Kaila Estrada (@kailaestrada)
Source: Instagram

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Alviar na talagang ibinuhos ni Kaila Estrada na gumaganap na Bettina ang nararapat na emosyon sa eksena kung saan inamin niyang siya ang salarin sa pagkamatay ni Divine na ginagampanan naman ni Shaina Magdayao.

Read also

Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin"

"Mahaba 'yung buong gubat pero the whole confrontation, tuloy-tuloy lang 'yun. Halos isang take lang siya. Talagang binigay niya lahat saka wala na kami araw. Maganda performance.Talagang buong puso niya binigay. One take lang 'yon halos," ani Direk Mae.

Dahil dito, masasabi niyang isa si Kaila sa mga susunod na henerasyon ng superstars.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Walang tapon sa cast. Kahit sino maging killer, sure napapanindigan nila. But Kaila, nakita ko, ito na next gen of superstars," giit niya.

Isa sa mga rason kung bakit pinakatutukan ang pagtatapos ng serye ay dahil sa misteryo ng pagkamatay ng karakter ni Shaina Magdayao.

Maraming naging haka-haka ang mga nanonood subalit hindi naging matunog ang pangalan ni 'Bettina.'

Kaya naman nang isiwalat nilang si 'Bettina' ang salarin, marami ang lalong namangha sa itinakbo ng istorya.

Read also

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

"Everyone was an obvious suspect. We wanted something that would surprise the audience. We wanted after the finale the audience would react ‘What?! Siya pala!’ And we are happy that we achieved it. We wanted to keep it under wraps. In fact artists and everyone on set got an NDA. We wanted to keep it a secret and a surprise," ani Direk Mae.

Samantala, ipinalabas din nila sa mga miyembro ng Kapamilya online ang mga 'alternate killers' ng serye kung saan halos lahat ng karakter ay naging suspek sa pagpaslang kay Divine.

Si Kaila Estrada ay isa sa mga maituturing na rising stars ng kanyang henerasyon. Anak siya ng mga kilalang artista na sina Janice De Belen at John Estrada.

Matatandaang naging agaw-pansin ang eksena ni Kaila sa teleseryeng Linlang kung saan kasama niya si Kim Chiu. Marami ang pumuri sa kanyang husay sa pag-arte kaya naman hindi nakapagtatakang napapanood din siya sa isa pang serye ng ABS-CBN, ang "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Read also

Boobay, umano'y hinimatay habang nagho-host; bumalik sa stage nang magkamalay

Sa panayam sa kanya Bernadette Sembrano, hindi napigilang maging emosyonal ni Kaila matapos na mabanggit ang tungkol sa kanilang amang si John Estrada. Aniya, matagal na nilang ninais ang klase ng relasyon meron sila ngayon sa ama. Pinasalamatan din niya ang ama sa umano'y effort na ginawa nito upang mapalapit muli sa kanilang magkakapatid. Dahil dito, nasabi ni Kaila na okay na ang lahat sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica