Ogie sa isyu ukol sa EB: "Saka niyo kami sabihang fake news 'pag kinonfirm namin"

Ogie sa isyu ukol sa EB: "Saka niyo kami sabihang fake news 'pag kinonfirm namin"

- Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa naibalita sa "Eat Bulaga"

- Ito ay matapos siyang maakusahang nagpapalaganap ng fake news dahil sa naibahaging tila magsasara na umano ang programa

- Matatandaang, agad na pinabulaanan nina Joey De Leon at Tito Sotto ang napapabalitang ito

- Samantala, paalala rin ni Ogie na basahin o panoorin ang kabuuang ulat at huwag magdepende sa thumbnail o pamagat lamang

Naglabas na muli ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa mga lumabas na akusasyon sa kanya na nagpapalaganap umano ng fake news patungkol sa Eat Bulaga.

Ogie Diaz, may nilinaw sa naibalita tungkol sa Eat Bulaga: "Wala naman kaming kino-confirm"
Ogie Diaz, may nilinaw sa naibalita tungkol sa Eat Bulaga: "Wala naman kaming kino-confirm" (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Sa isang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, matatandaang binasa ni Mama Loi ang umano'y pinagkunan nila ng napapabalitang pagtatapos ng Eat Bulaga na may kaugnayan sa sinasabing pagkalugi ng programa.

"'Yung iba ha, na hindi nanonood at dumedepende lamang sa binabasa nilang thumbnail, or title e jina-judge na kami. And ang bilin ko, panoorin niyo ng buo kung paano namin ibinalita, inilahad, inilatag yung issue."

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

"Unang-una sa lahat meron kaming pinagkuhaan. Binasa namin, di ba? At nung sinabi nga na nalulugi daw ang Eat Bulaga, di naman kami naniwala. Sinabi ba namin, oo nga tama yan. Sinabi namin, wala naman kaming kino-confirm. 'Yun ay binabasa namin. Pangalawa, di naman namin sinabing magsasara. Kung narinig niyo yung word na magsasara o mamamaalam, patanong. Tandang pananong"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, hindi raw umano nararapat na sabihan sila ng ilan na nagpapalaganap ng fake news.

"So bakit niyo kami sasabihan ng fake news? Saka niyo kami sabihang fake news 'pag kinonfirm namin," ani Ogie.

"Saka niyo kami sabihang wala kaming kwentang magbalita, wala kaming kredibilidad kung sinabi naming maniwala kayo sa'min magsasara ang Eat Bulaga," dagdag pa niya.

Samantala, ipinakita rin muli sa Showbiz Update channel ang bahagi kung saan natalakay nila sa nakaraang episode ang nasabing isyu.

Read also

Michael V, pinabulaanang magtatapos na ang "Pepito Manaloto"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Halos mag-iisang taon na ang nakalipas nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Makalipas ang isang linggo, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1 naman nang nakaraang taon, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Read also

Kristine Hermosa, bukas sa muling pagtatambal nila ni Jericho Rosales sa tamang proyekto

Kalaunan, nakuha nilang muli ang pangalan ng progama na Eat Bulaga habang ang naiwang noontime show sa GMA ay napangalanan namang 'Tahanang Pinakamasaya.' Hindi nagtagal, tuluyan nang nabuwag ang nasabing programa.

At kamakailan lamang, umugong ang panibagong kontrobersya sa Eat Bulaga na nagsasabing magtatapos na umano ito dahil sa pagkalugi. Agad naman itong pinabulaanan nina Joey De Leon at Tito Sotto na naglabas ng kani-kanilang saloobin sa programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica